Terminated

Isang mapait na katapusan
Ito nga ba ang inaasahan
Buong akala pa naman
Ito'y tulay patungo sa walang hanggan

Puso'y nangungulila
Yaring mata'y mugto na sa luha
Nagkamali ba ang tadhana
O sadyang hindi naging tama

Bakit pa pinaibig
Kung di rin pala kaibig-ibig
Hirap pang makatindig
Damdamin ay patuloy na kumakabig

Anong kahihinatnan
Labis labis ang katangahan
Nais lang naman maging karapat-dapat
Subalit hindi pa rin naging sapat.


-----------------------------------

Part 1 - MIGRAINE
Part 2 - ON PROBATION
P.S Hindi ko inakala na magagawan ko pa to ng karugtong. 

Maki-emote

ihayag ang nais sabihin ng iyong damdamin. (>‿◠)✌