The Brokenheart's Choice


Dahil sobrang loaded na ang external hard drive ko, madalas ko ng makita itong ganitong warning. Nagbabadyang puno na at maaaring anytime macorrupt na. Masaklap baka may virus pa. Thinking of all the files na baka mawala, nakakatakot at nakakahinayang syempre. Pero sa halip na magback up eh naisip ko munang iscreenshot at i-edit itong pop-up warning na ito tapos pasintabi na lang po sa konting emote. Hihi.


When Life tells you to format your heart and delete all your memories, papayag ka ba? O tatanggi ka agad at ipagpipilitang okay ka pa?


Alam mong hindi ka na okay. Pero sige lang hanggat kaya pa itago ng ngiti mo ang mga luha, habang kaya pang ikubli ng pagiging masayahin ang lungkot na nadarama.


Oo, mahirap at masakit harapin ang katotohanan pero minsan mas mainam na yun kesa sa mga kasinungalingang pilit mong pinapaniwala sa sarili mo.



Two major options: Format now or Cancel?


Siguro initial choice would be this.


CANCEL

Face the truth. Admit to yourself na may mga alaala na hindi na mabubura pa. May mga taong minahal mo na no matter how unfair it sounds eh hindi matutumbasan ninuman. Yung kahit gaano ka nila sinaktan at pinaasa, iniwan at pinagpalit eh you still want to keep them in your heart.  Sa totoo lang it's your choice to cling to the past or sige ipush natin yang idea mo na maybe some people and memories will remain unforgotten.

Ganun talaga. Minsan pwede mong ipagpilitang kalimutan pero hindi mo na matatakasan pa. Pwede mong pagsisihan pero hindi mo na mababago pa. Pwede mong alalahanin ng ilang milyong beses pero hindi mo na maibabalik pa. Yung darating ka sa puntong hihilingin mo na sana pwede pa..yung hindi na.

Masakit? Syempre.

Sabihin na nilang bitter ka pero anong magagawa mo kung yung mga alaalang yun na lang ang tanging pinanghahawakan mo sa taong lubos mong minahal? Yun na lang yun nagpapasaya sayo kahit na in reality walang tigil sa pag-agos ang luha mo sa tuwing maiisip mo ang lahat lahat na inakala mong natagpuan mo na ang one true love mo at start ng forever mo pero hindi pala. Nagwakas na ang lahat pero ikaw umiibig pa rin ng wagas.

Masaklap? Sheet..sobra.

Ilang taon, buwan, araw, minuto at segundo na ba ang lumipas mula nung iwan ka niya? May dahilan ka pa para umasa o atleast reasonable pa na itago mo muna yung first gift niya sayo o di kaya yun sweetest picture niyo together o di kaya pictures niya (na feeling mo nakangiti sayo) na lagi mong tinitingnan bago ka matulog. O sige i-wallpaper mo na lang kaya sa phone mo para mas convenient. Ayaw mong mawala siya kahit pa alam mong malinaw na "alaala na lang" ang lahat.

Cancel. Dahil itanggi mo man, mahal mo pa siya. Hindi mo pa kayang maglet go. May residue pa ng feelings na hindi ka pa handang tuluyang maglaho. Hindi mo pa kayang totally bitawan ang lahat. Sabi nga nila, sometimes it's the pains we had that make us strong and push us to survive. But most of the times, yung mga pain na yun makes us bitter and hinders us from falling in love again.

Sa sobrang pagkahumaling sa past, hindi mo na napansin yung taong nais maging bahagi ng present mo. Paano na ang future kung ganoon?


Do you really think CANCEL is okay? Think again.




FORMAT NOW

Katulad ng hard drive, once reformatted, it can be good as new. At ikaw, you can have that chance to be the best version of you. If only you can freely let go of all the things that makes you feel bad.


Painful past, sad memories, regrettable mistakes..etc. Yan ba ang laman ng alaala ng puso mo?


Darating at darating yung time na mapupuno ka rin. Yun magigising ka na lang one day thinking of bettering yourself instead of being a denial bitter humanbeing.

Ano nga bang saysay ng pagsstore ng mga alaalang hindi naman nakakatulong bagkus lalo lang nakakapabigat sa damdamin at nagiging dahilan ng kalungkutan mo? Sabi nga nila, ang tanga tanga mo na para maghold on sa taong wala na, kinalimutan ka na at maaaring may iba ng minamahal. Kahit ano pang gawin mo, kahit ibalandra mo pa yung pag-ibig mo sa kanya, hindi na niya mapapansin yun.

Hindi kaya panahon na para isantabi yun ilusyon sa nakaraan at harapin ang realidad na posibleng may mas better na magmamahal sayo at pwedeng mahalin mo rin ng higit pa? Siguro nga hindi siya mapapalitan ninuman dahil sabi nga ni FitzGerald "There are all kinds of love but never the same love twice" so asahan mo ng hindi kailanman magiging pareho sa dati ang susunod mong love story pero maaaring ito naman yun love story na magbibigay sayo ng forever at happily ever after.


________________________________________________________________


May kanya-kanyang dahilan ang bawat tao kung bakit nila nagagawang mang-iwan, bumitaw o di kaya umayaw na lang bigla. Mahirap intindihin lalo't kahit maintindihan mo hindi naman din mababalik sayo, mag-isa ka pa rin. What's the sense? Kung umalis, ihatid mo pa or kung di mo kaya say goodbye na lang. Kung umayaw, wag mo ng bigyan ng other choices para lang piliin ka niya ulit. Kung bumitaw, pabayaan mong mahulog..sa iba.


It's always your choice kung mananatili ka kung san ka iniwanan o pipiliin mong hanapin yung mas ikakabuti ng sarili mo para pag dumating yung time na handa ka ng magmahal uli eh mas better person ka na than you were before.  You can choose to save the good memories you had from the past and/or strive for new memories with the person who will truthfully love you back, wholeheartedly accepts you for who you are and will never leave you for anything or ANYONE.


Besides, mas mahalaga pa rin yun ngayon kesa yung noon. Mas may saysay mangarap para sa future na parating pa lang kesa sa past na nakalipas na.


Huwag matakot magmahal uli. Dahil dadating din sa puntong may isang taong matatakot at hindi ka hahayaang mawala sa kanya.

Wishing hard, sana meron pa nga.


So ikaw, anong choice mo?




How pain changes you is up to you. 

You can come out bitter or you can come out better.


The Art of Letting Go

Maki-emote

ihayag ang nais sabihin ng iyong damdamin. (>‿◠)✌