Hello! Maraming salamat sa lahat ng patuloy na sumusubaybay at sa mga bumibisita dito kahit bihira na akong makapag-update. Nagbackread ako at napagtanto ko na medyo matagal-tagal na rin pala yung huli kong naisulat na tula at sanaysay na medyo mahaba. Sa totoo lang nakakamiss yung times na mukhang sobrang inspired ako magsulat at mataas yung emote level ko. Yun tipong walang kaeffort-effort, smooth at endless yun flow ng ideas at feelings ko. Ano nga bang nangyari at naging tamadochi ako lately? Madalas marami naman akong naiisip na isulat pero halo-halo at wala akong time pagtuunan ng pansin. Parang puzzles na kailangan kong buuin muna para magkaron ng sense. Pag naman mayroon akong kaunting time wala naman akong maisip o feels na maging topic. Yun bang kahit anong gawin, kahit anong piga, walang katas ng emosyon para makalikha ng ka-emoterahan. Nagbabadya na nga yatang maglaho ang emotera cells ko... Ohh noooooo! Pero teka baka naman masyado lang akong naging busy kaya naghibernate muna sila. hihi!
Ewan. Whatever. Siguro ganun talaga.
Sa buhay darating yung time na titigil ka na lang, pansamantala man o permanente — hindi dahil sawa ka na o pagod ka na, kundi dahil yung lang yun tanging magagawa mo habang naghihintay, nag-aabang kung kailan muling sisibol ang damdaming tila natuyo na.
Maki-emote
ihayag ang nais sabihin ng iyong damdamin. (>‿◠)✌