Wake up, October na!

Gising na! Tapos na ang Setyembre. Wala ng dahilan para magtulug-tulugan ka pa riyan. Wag mo ng gawing dahilan ang peymus na "wake me up when september ends.."


Teka..kamusta ba ang tulog mo? Masyado bang masaya ang mga panaginip mo kung kaya't mas nanaisin mo na lang matulog ng mahimbing? Yung umaasa kang sana.. sana hindi na magising upang tuluyan ng makatakas sa realidad na ayaw mo ng harapin.


Nakakapagod na rin kasi noh? yun nag-eeffort ka naman pero wala pa rin. Binigay mo na lahat ng best mo pero sadyang kulang pa rin. Halos maghirap ka na, tagaktak na ang pawis mo, halos matuyo na yung damdamin mo sa lahat ng sakit na tinitiis mo, ramdam na ng balikat mo ang bigat ng sandamakmak na problemang pinapasan mo, at sobrang manhid na rin sa ilang pagkabigo na tinamo pero kahanga-hanga na sa kabila ng lahat ng yun hayan nagagawa mo pa rin bumangon at lumaban.


Tapos sasabihin lang nila ng walang kagatol-katol,
"mahina ka kasi!"   
"lumaban ka, duwag!"  
"pathetic loser!"


Ano bang alam nila? Manghusga? Oo. Ganyan sila eh. kasi wala silang pakialam sa anumang pinagdaraanan mo. Hindi nila nararamdam ang tindi ng hirap at sakit na kinakaya mo. Hindi nila nakikita yun lakas at tapang mo na pinipilit mo pa ring makabangon araw araw upang harapin at talunin ang lahat ng kinakatakutan mo, na hindi ka nawawalan ng pag-asang magtagumpay sa bawat laban na yun, na hindi ka tumitigil na malampasan ang bawat hamon ng buhay, na pinipili mo pa ring magising sa bawat pagkahimbing.


Wala silang alam.


At sa totoo lang they don't need to know. Hindi mo kailangan mag-explain sa kahit kanino para lang maintindihan nila kung bakit ganun o bakit ganyan. Hindi mo kailangan ibroadcast sa lahat para lang makakuha ng simpatya. Hindi ka nila bibigyan ng award sa pagiging fighter mo sa sariling battles mo. Jusko hindi mo naman kailangan nun. Diba?


Pero siguro, aminin mo man o hindi, umaasa ka na sana may makaintindi sayo. Na hindi ka huhusgahan sa mga pagkakataong pinanghihinaan ka ng loob. Yung maniniwala sayo at magtitiwala sa inner strength mo na minsan hirap kang ilabas dahil sa takot kang magfail. Na sana may tao na handang samahan ka kahit mahirap, kahit masalimuot ang reality na kinalalagyan mo. Yung willing na maging kasangga mo sa pagsabak sa bawat laban. Sana.


Pero kung wala man, hindi yun matibay na basehan para magpatalo.  Nakasurvive ka noon. Paniguradong makakasurvive ka rin ngayon. Kahit mag-isa ka pa o swertehing may makasama.


Isa lang ang sigurado, na sa mundong to, ang tanging kakampi na laging maaasahan mo ay


..ang sarili mo.

Sino sa dalawa?

Sino nga bang nararapat piliin?



Yung bagong pag-ibig na dumating 


o


 yun nakaraang nagbabalik?


_____________________________________________________





NAKARAANG  NAGBABALIK kasi..

Why not? chances are, mahal mo pa. Nung sinabi mo months o years ago na nakamove on ka na at masaya ka ng wala na siya sa buhay mo, kasinungalingan lang pala na pilit mo pinapaniwala sa sarili mo. Dahil yun totoo, nung bumalik siya, nung makita mo siyang muli, kasabay nung bumalik lahat ng feelings mo para sa kanya na hindi mo maibaon sa limot. A part of yourself is still hoping na magiging kayo ulit o may chance na finally maging kayo, atleast. Umaasang maybe this time, masusuklian na yun pagmamahal na naibigay mo noon na nasayang lang, na this time may pag-asa na love wont end.


Pero isipin mo rin muna syempre, bakit nga ba in the first place eh nag-end yung kayo? Ikaw ba ang nagkulang o siya ang hindi lumaban? Ikaw ba ang bumitaw o siya yun hindi na kumapit? May pagmamahal pa nga ba o wala na lang pakialamanan? This reality na kailangan mo munang iconsider kung worth a second try pa nga ba o youre just bound to have a broken heart again. Sige, ikaw rin.


Sabi nga kasi, ang binabalikan lang e yung naiwan at hindi yun nang-iwan.. Tho pwede rin na walang nang-iwan sa kanilang dalawa kasi they both decided na maghiwalay ng landas. So what if nga magkita sila ulit? Siguro pwede nilang isipin na "destiny" yun. Or possibly just an excuse to be reasonable enough to push and try to make it work again. The tricky part is pag nagmamahal tayo ng sobra, we always choose to believe what we just wanted to believe, Ke totoo man yun o hindi.





BAGONG PAG-IBIG kasi..

Opkors! Yes to new start and fresh feeling. A chance to find love that will last forever.


Sinong tatanggi sa bagong pag-ibig na maaaring natagpuan mo o sadyang nakalaan para sayo? Yun mga panahon na akala mo wala ng magmamahal sayo, na lagi ka na lang naiiwan, o di kaya nababasted at inaayawan, Laging nafre-friendzone o sadyang ang natitipuhan mo eh yung hindi ka magugustuhan. Yun akala mo wala na talagang makakapansin sayo o magsusukli sa pagmamahal na ibinibigay mo.


At sa hindi inaasahang pagkakataon, biglang may dumating. Yun taong nagmamahal ng totoo at tanggap yung buong ikaw. Yun hindi mo kailangan manglimos ng love, time and attention dahil kusa niyang binibigay sayo para iparamdam na mahalaga ka at mahal na mahal ka niya. Yun naging dahilan para maghilom ang lahat ng sugat at sakit na nararamdaman mo dahil sa mga naunang pagkabigo. Yun naging dahilan para maniwala ka ulit sa love.



------------------------------


Oo na nga. There is always someone from our past na hindi natin nagagawang kalimutan, Say it they will always have the special place in our hearts but it doesn't mean na porke bumalik sila o nagparamdam bigla eh hilong-talilong ka ng magmamadali na makipagbalikan agad. Even with or without an invitation of reconciliation, there are certain people who dont belong in our life or even give them a major part of our present life.


Ang tanging alam ko magiging mahirap lang ang pagpili kung mahal mo pareho. Ayaw mong makasakit at masaktan. Natatakot kang mawala ang isa sa kanila. At yun ang malaking problema na dapat mong harapin para kahit may masaktan, atleast, hindi na umasa sa wala.


In the end, it's your choice that will matter.


Para sayo, sino?


Reserved

Paano kung hindi magawang makalimot?

Paano kung naghihntay pa din?

Paano kung nakulong ka sa nakaraan ayaw takasan?

Paano kung siya yung para sayo pero hindi ikaw yung para sa kanya?

Paano?

Palatastas 9 - Kung Sun Sun

Gong Xi Fa Cai sa lahat! 


Sa wakas nakapag-update muli. Nakakamiss magsulat! Nakakamiss ang lahat lahat.


Hindi ba't nakakamangha na sa pag-ikot ng panahon, may mga bagay na sadyang hindi pa rin nagbabago o kaya naman mga bagay na akala mo hindi magbabago ngunit biglang nagbago at sa sobrang pagbabago nito halos hindi mo na makilala. Mga bagay na nakalimutan mo na at mga bagay na naaalalala mo pa. Mga taong wala na sa buhay mo pero nasa puso mo pa rin at mga taong nasa buhay mo nga pero wala naman sa puso mo.


Speaking of bago, nito lang linggo, napa-apply ako ng phone line sa Sun. Naaalala ko tuloy yun pangakong 2017, basta related kasi sa Sun yun, So ayun, pagkatapos magfill up ng form, may ilang katanungan pa yun sales rep. Nung dumating sa tanong na, "Ma'am single po?" Gusto ko sanang maoffend. hahaha, Seryoso. Bakeeeet ganun? Ni walang option na "or"..muhaha!


Hay. Anyway, sana maging maayos na ang lahat. Hanggang sa muli. Aja!



Ano sa tingin mo?

Baka nasaktan mo kaya nagbago.

Nasobrahan ng panlalamig mo kaya naging manhid.


Napagod na kaya nanahimik.


Madalas kung minsan kasi unfair. Yun pag alam mong mahal na mahal ka ng isang tao eh ang lakas mo ng mangbalewala. Kampante ka na kahit di ka mag-effort, kahit hindi mo paglaanan ng oras, kahit madalas mong isantabi, alam mong hindi ka niya magagawang iwan. Alam mong kahit masaktan mo pa siya konting lambing lang o kahit pa nga wala, okay lang sa kanya. Mahal na mahal ka niya eh. Ikaw yun number one priority niya sa lahat. Laging siyang andyan para sayo kahit na ikaw, laging wala para sa kanya.



Paano nga ba kung dumating sa puntong sobra na?



Sobrang sakit na kahit hindi ka naman busy, wala ka pa ring time sa kanya. Na sa tuwing nagtetext siya lagi kang may dahilan para hindi magreply. Sa tuwing tatawagan ka niya lagi kang unreachable o halos gusto mo ng ibaba agad ang telepono.


Sobrang sakit na noon, napakasweet at clingy mo sa kanya pero ngayon, bigla ka na lang nag-iba at astang hindi na interesado sa kanya.


Sobrang sakit na ang dali sayo isantabi siya at iparamdam na madali siyang kalimutan. Na maaalala mo lang siya pag tipong bored ka na o dahil nangungulit siyang makipag-usap sayo kaya no choice kakusapin mo na lang din kahit saglit.


Sobrang sakit na yun magmukhang tanga, na kahit anong gawin niya para mapasaya ka sadyang kulang pa rin para maapreciate mo siya.


Sobrang sakit na lagi na lang siyang mali s paningin mo. Na lagi mong pinipiling tingnan yung mga flaws at imperfections niya.


Sobrang sakit na yun lagi ka na lang may dahilan para magalit sa kanya. Na pakiramdam niya wala na siyang nagawang tama at isang napakalaking pagkakamali na dumating pa siya sa buhay mo.


Sobrang sakit na maghintay na maramdaman niyang mahalaga siya sayo. Na lagi niyang tinatanong sa sarili niya kung bakit ganoon mo na lang siya balewalain, na laging parang okay lang ang lahat.


Sobrang sakit na magmahal ng isang tao na naghahangad ng iba.


Sobrang sakit umasa.



Hindi mo nga siguro napansin na ganoon na pala yun nagiging trato mo sa kanya kasi yun totoo wala kang pakialam sa nararamdaman niya. Ni minsan hindi mo siya pinakinggan.
Ni hindi mo alam na sobra mo na siyang nasaktan,
hanggang sa nagbago na siya.


Tapos saka mo marerealize na mahal na mahal mo rin pala siya pero huli na.

unSuper

Wag kang magpakasuper.

Kung hindi mo na kaya, 
kung mabigat na, bitawan mo. 
Kung hindi ka na masaya, wag mong hayaang malungkot ka na lang.


Wag kang magtiis.
Wag mong masyadong papaniwalain ang sarili mo o ang ibang tao na malakas at matibay ang dibdib mo para tanggapin yun mga bagay na sa totoo lang eh nagpapahirap at nagpapabigat ng loob mo. 
Wag mong pasanin ang mundo.


Okay lang makaramdam ng panghihina.
Okay lang lumuha.
Okay lang anuman yun sa tingin mong ikagagaan ng kalooban mo, gawin mo.


Maging totoo ka lang. 

Kung hindi man sa iba, kahit sa sarili mo na lang.

Palatatas 8 - Disconnected

Nitong mga nakaraang mga linggo, nakakabadtrip dahil sa sobrang hina ng internet connection. Nag-ughhh-upgrade daw ng system kaya nagkakaganun. Nakaiyak na nga sa inis dahil kung kailan kailangan saka wala. Dinaig ko pa ang mrt train pag rush hour sa pagkapuno sa grabeng hassle nito. At halos gusto ko na nga rin pumunta sa La Pacita Bakery (dito yun pagawaan ng Pacencia at iba pang mga biscuits) para bumili ng maraming maraming stock ng Pacencia dahil kung hindi baka hindi ko na mapigilan ang magpakabeast mode.

One time (yun totoo nakailang tawag na para magreport at ilang beses na sinadya ko ng puntahan) pero yung one time na yun tumawag ako, nakakabitter. Kalmado naman ako sa pagcocomplain hindi yun tipong nangbubulyaw na lang bigla napakasoft spoken ko naman (yun totoo pang 11-yr-old yung boses ko) pero sheet matapos ko sabihin yun nag-iisang paulit ulit na inirereklamo ko (tinanong naman kung meron pa o wala na) at nung sinabi kong "yun lang po" sabay dead na yun kabilang linya. Opo binabaan ako ng kung sino mang kausap ko na yun. Umasa ako na nag-goodbye man lang sana o nagsorry dahil sa failure ng internet service nila pero wala. Ganun kaharsh. Literal na nag-init ulo ko pero wala na kong magagawa kasi wala na rin yun kausap ko at hindi ko na matratrace kung sino siya at hindi ko na rin gustong mag-abala pa kaya pinalipas ko na lang yung pagkainis ko.

May ganun siguro talaga at baka mas mabigat ang pinagdadaanan niya kesa sa inirereklamo kong mabagal na connection. Haaay.

Parang applicable din sa lahat ng klase ng relasyon, sa una malakas ang connection sa isa't isa pero pag mejo nasa kalagitnaan na humihina na lang bigla at masaklap pa nun minsan tuluyan ng nadidisconnect.

Kaya kung mahalaga talaga sayo yung isang tao, make sure na makipagcommunicate ng maayos para sakaling dumating man yung time na mawalan kayo ng connection, pwedeng magreconnect anytime..agad agad.

Saaahreeee.