Mapaglarong Tadhana


Isa sa mga dahilan kung bakit ang mga tao ay nagsesentimyento ay dahil ang mga alaala ang tanging bagay na hindi nagbabago.  May mga bagay sa buhay mo na hindi mo maaangkin habambuhay kahit pa ipaglaban mo, minsan ang kapalaran ang nagdidikta ng lahat, masyadong mapaglaro ang tadhana. Kapag dumating yung taong mahal mo iniisip mo agad na tadhana ang nagbigay-daan para magkakilala kayo.  Pero pano kung yung pagkikita nio ay paraan lang ng mapaglarong tadhana?  Na sa huli yun taong akala mo nakalaan para sayo at mananatili habang buhay ay mawawala rin sa buhay mo.  Nakatadhana na paibigin ka lang  at iiwan pagkatapos mong mahalin ng sobra-sobra.  Nasa tao nga ba ito o dahil sadyang mapaglaro ang tadhana? 

Depende siguro.

Hindi madaling iwan ang taong minahal natin, lalo na yung taong mahal pa natin.  Ang iba ay maaaring nagdadahilan lang, hindi magiging kapani-paniwala para sa iba, nariyan yung susumbatan ka pa at magagalir ng tuluyan na hindi inaalam yung tunay na dahilan.  Ang hindi nila alam mas masakit para sayo ang masaktan ang taong hindi deserving para masaktan lalo na kung wala kang masabing dahilan kung bakit kailangan mong mang-iwan.


"You can never own something that was never yours..."

Kaya tigilan na natin ang paghawak sa mga bagay at tao na akala natin magtatagal sa atin.  Walang forever, kasinungalingan lang yun.  Ang lahat ay nagbabago.  Lumilipas.  Kung kaya't sa lahat ng pagkakataon isipin mo na hiram lang yan.  Humiram ka lang sa tadhana ng pagkakataong maging masaya.  Para kung sakaling mawala man sayo, hindi ka masasaktan ng sobra sobra at hindi magiging mahirap ang pagbitaw.

1 comment:

ihayag ang nais sabihin ng iyong damdamin. (>‿◠)✌