When Destiny and Serendipity collide Part 3: Invisible Mode

So makalipas ang ilang buwan eto ka na buhay pa din at paminsan-minsang nasasaktan tuwing naaalala mo ang nakaraan.  Yung mga masasayang alaala at yun nasayang na pagkakataon.  Bitter ka ba? Hindi mo naman talaga magagawang makalimutan ang lahat pero pwedeng wag mo na lang isipin.  Desisyon niya yun in the first place.  Nawalan ka man pero mas malaki yun nawala sa kanya.  Nawala yung taong magmamahal sa kanya ng tapat at magbibigay sa kanya ng lahat.  Tsk.  Kaya kung magmessage man siya ulit sayo, magrereply ka ba?  Hahayaan  mo bang maulit muli yung nakaraan?  Kung gaano ka nasaktan at nagmukhang tanga, di na lang, diba? Nakakatakot na yun. Lalo na't alam mong hindi nawala yung halaga niya sa buhay mo.  Aminin mo yun.  Kahit papaano sa kabila ng sakit na dinulot niya, may konting pagmamahal pa din pero ano pa nga ba?  It's time to move on! 2012 na kaya.



Ang pag-ibig parang fairytale pero hindi lahat happy ending. 


THE END

click here for story parts

Maki-emote

ihayag ang nais sabihin ng iyong damdamin. (>‿◠)✌