Bitter in Time

Nakaraang nakalipas kailanman hindi na magbabalik.  Kadalasan, ang pusong tunay na nagmamahal ay hindi kailanman nakakalimot kahit pa man abutin ng ilang buwan, ilang taon, ilang dekada man ang lumipas.  Maaaring hanggang sa pagtanda dala-dala ang mga sugat ng nakaraan, ang pait ng kinahinatnan at maging ang masasayang alaala na naglaho ng parang bula.  Mahirap ibaon ng tuluyan sa limot.  Bitter nga ba ang tawag nila dun?  Ok na na, okay lang aware ka naman na may kanya-kanya na kayong buhay at kahit alam mong may iba na siya hindi na ganun kasakit katulad nung nagbreak kayo.  Pero bakit ganun?  Pag dumadating yung punto na sumasagi sa isip mo yung mga nakaraang nagdaan, may kirot sa puso na sadyang mahirap itago, mahirap pigilin at hindi mo maiwasang manghinayang.  Tila ba iniisip mo na kung mas naging matatag ka lang, na sana kahit bumitaw na siya sayo kumapit ka pa din at kahit itinutulak ka na niyang palayo mas kumapit ka ng mahigpit.  Pero diba katangahan na yun? Pagiging martir.

Kahit gaano kagusto ng puso mo na amining may pagmamahal pa at magsimula muli, itinatanggi na ng utak mo dahil alam nitong malaki ang posibilidad na masaktan ka ulit.  Hindi kailanman naging madali ang pakikipaghiwalay at paglimot sa taong minahal mo ng lubusan at yung paglimot ang isang bagay na panahon lamang ang makakapagsabi kung kailan mangyayari.

Maki-emote

ihayag ang nais sabihin ng iyong damdamin. (>‿◠)✌