When Destiny and Serendipity collide Part 2: Ang Pagtutuos

Hanggang sa dumating yung time na wala na siyang time sayo dahil sa mga problema niya.  Naiintindihan mo at iniintindi mo sa abot ng makakaya mo.  Andyan ka lagi para saluhin siya at tulungan siya.  Ngayon nahati yung kaligayahan mo, totoo nga yung kasabihan na sa bawat kaligayahan, may kalungkutan.  At eto na yun.  Pero kinakaya mo naman para sa inyo.  Kahit pa minsan pakiramdam mo parang wala na, parang nagsasawa na siya sayo, parang ikaw na lang yung nakakapit at nakikipaglaban para sa relasyon niyo.  Nagmumukha ka ng tanga.  Nagbubulag-bulag ka sa katotohanan dahil sa sobrang pagmamahal mo sa kanya.  So ayun, yung fairytale mo unti unting nagiging nightmare.  Pati mga pangarap niyo mukhang hanggang pangarap na lang. Eto na.


SIYA: Im sorry..
IKAW: Bakit?
SIYA:  Maghiwalay na muna tayo..promise pag naayos lahat ng problema ko, magsisimula tayo ulit.. please i love you.. i really do.
IKAW:  (shocked at maluha-luha) Kung mahal mo ko bakit ka nakikipaghiwalay?
SIYA:  Ayokong madamay ka etc.........
IKAW: (hopeless) please NO...................!!!!!!!!!!!!!!!!!


Hindi na siya nagreply pa habang ikaw hindi mo na malaman kung anong gagawin mo.  Matapos ang lahat mauuwi sa ganito?  Tinatanong mo sa sarili mo kung san ka nagkulang, saan ka nagkamali, bakit kailangang mangyari to?  Masyado ka naniwala sa Destiny na porke nagkakilala kayo eh siya na agad yung para sayo.  Tsk.  Oh ngayon luhaan ka, nasaan siya? iniwan ka na.  Masaklap pa nito may  nabasa ka.


3RD PARTY: Musta ka na angel ko?
SIYA:  Eto ok naman may sakit pa din. Di mo kasi ako inaalagaan.
3RD PARTY: Hayaan mo pagkaout ko pupuntahan kita.. I love you angel ko!
SIYA: I love you too


OUCH! sabi ng puso mo. Gaano nga ba kasakit na malaman mo na kaya pala nakipaghiwalay sayo yung taong mahal mo eh dahil sa iba? Masakit na yung malaman mo eh yung mahuli mo pa kaya?! Caught in the act na nga idedeny pa, sh*t diba?  Ngayon mas sobrang nasasaktan ka sa nalaman mo.  Tila ba gusto mo siyang isumpa pero d mo magawa kasi d mo pa din maikaila na mahal na mahal mo pa din siya.  Naloko ka na naman.  Masyado ka kasing nagtiwala, naniwala sa destiny na yan, sa serendipity na yan eh hindi naman totoo yan, See, asan siya ngayon? Eh di ayun nagpapasaya sa iba habang ikaw kulang na lang lumuha ka na ng dugo sa walang tigil mong kakaiyak. 
"Mahal kita..mahal na mahal..Bakit mo ko nagawang lokohin?!!!!"    Wala ka ng choice kundi tanggapin ang lahat gaano man ito kasakit.  Ganun talaga ang buhay,  Walang manloloko kung walang magpapaloko.  Tanga mo lang kasi nagpaloko ka.  Pero okay lang din diba atleast nagmahal ka ng totoo.. eh siya kaya minahal ka nga ba niya ng totoo?




..........itutuloy.

Maki-emote

ihayag ang nais sabihin ng iyong damdamin. (>‿◠)✌