When Destiny and Serendipity collide Part 1: Ang Simula ng Lahat

Destiny?  Sa pag-ibig eto yun feeling na akala mo kayo na yung magkakatuluyan, na plano ng tadhana na magkatagpo at magkasama kayo.  Serendipity? Eto naman yung sa di inaasahang pagkakataon nakahanap ka ng isang bagay o tao na makakapagpasaya sayo.  Sweet diba? Pero pano kung magtagpo ang destiny at serendipity?  Yun bang sa di inaasahang pagkakataon dumating yun isang tao na pareho niyong inakala na nakalaan kayo para sa isa't isa.    
"Destiny tayo!Napakasayang aksidente na nakilala kita.."    Tpos bandang huli, hindi pala..

Paano kaya?

Matagal na kayong magkakilala pero hindi naman kayo nagpapansinan, yun bang may sarili kayong mundo.  Makalipas ang ilang taon bigla siyang nangamusta:


SIYA: hello..kamusta?
IKAW:  hi..eto okay naman, ikaw?
SIYA: okay lang din. long time no chat ah.
IKAW: oo nga eh.
SIYA: kwento ka naman, namiss kita eh.


Hanggang sa humaba at naging madalas yung pag-uusap niyo at nagkapalagayan ng loob.  Swerteng single kayo pareho kaya walang hadlang.  Yun lang dahil galing ka sa hiwalayan, takot ka ng magcommit ulit pero siya kinukumbinsi ka niya na totoo siya at di tulad ng iba.  Ramdamin bago isipin ang mga bagay-bagay.  Pero ayun bandang huli bumigay ka din,  Pakiramdam mo lumulutang ka sa hangin.  Walang duda nagmamahal ka na nga ulit. So ngayon kayo na. "Wow ang saya-saya!"  Pakiramdam mo ikaw na yung pinakamaswerteng tao sa buong universe.  Bukod sa gwapo siya eh napakabait pa at sobrang mahal na mahal ka niya.


SIYA:  I love you!
IKAW: I love you too..
SIYA:  I love you more..ikaw na talaga yung para sakin, i will never let you go.
IKAW: (speechless at kinikilig)


 Parang fairytale ang mainlove.  Yun susunduin ka niya after work o school. Sabay kayong kakain at everytime dadating siya may kiss ka lagi, ganun din pauwi na halos para bang ayaw niyo ng magkahiwalay.  Sa gabi naman hindi ka makatulog kakaisip sa kanya as kakahintay ng kinabukasan para magkita na kayo ulit. Nangangarap kayo ng gising, nagpaplano para sa future at lahat ginagawa niyo para sa isat isa. Inlove nga kayo. Diba ang saya?  Wala ka ng mahihiling pa.  Lahat gagawin mo para sa kanya, kahit ano. Anytime, anywhere basta wag lang siyang mawala sayo.


....itutuloy



Maki-emote

ihayag ang nais sabihin ng iyong damdamin. (>‿◠)✌