SEEN...so?

Bakit may mga taong hindi marunong magreply? 
Hindi ba nila alam na masakit maseenzoned? 


Lalo na kung galing yun sa taong gusto mong makausap, sa taong mahal mo at sobrang pinapahalagahan mo kahit hindi kayo. Nakakatampo diba?  Lalo pa sa mga in a relationship na nagbabadyang maging "it's complicated" dahil jan sa hindi makatarungang katamaran o anumang kadahilanang nakakasakit para hindi magawang magreply. Aba syempre magagalit ka kung obvious na alam mong binasa lang niya yung mala-nobela mong mensahe o tiningnan lang yung picture na sinend mo tapos wala man lang reaction at ni hindi man lang nagreply kahit smiley o ilang letra. (wag lang "K") Ano ba naman yan, halos isang segundo lang kaya para pumindot at makapagsend ng isang sticker at less than a minute naman para makapagtype ng ilang words..o kahit mga hanggang 5 mins kung nag-iisip ka pa ng sasabihin. Hay naku. Mahirap nga ba magreply? Walang masabi o wala lang gana makipag-usap?

Bakit ba kasi nauso yang seenzoned na yan? Mas okay pa sana kung ginawa na lang na "ignored" atleast well explained (at mas extreme yung impact) na wala talagang balak magreply yung taong minessage mo. Hindi yung naseenzoned ka na nga't lahat eh nag-eexpect ka pa.


2 comments:

  1. Baka busy? Or may ibang ginawa that time na nakalimutan mag reply haha. Yung mga ibang unexpected na may tatawag sayo, ganyan e saktong kakabukas lang ng message mo. Well based on my experience haha hindi ko naman sinasadyang mang seenzoned. :p

    ReplyDelete

ihayag ang nais sabihin ng iyong damdamin. (>‿◠)✌