Liham ng Naghihintay (at naiinip na)

Dear Kung Sino Ka Man,

Kailan ka ba darating o babalik? Ang tagal tagal na kitang hinihintay. Magkikita pa ba tayo? O tuluyan na lang mawawala yung pagkakataon na itinakda ng panahon para sa atin? Sabi nila isosorpresa mo na lang daw ako. Yung magugulat na lang ako kasi hindi ko namalayan na andyan ka na pala. Kailan nga kaya yun? Hindi ba pwedeng ngayon na? Ang hirap kasing maghintay lalo na't hindi ko alam kung may hinihintay nga ba ako o pinapaniwala ko lang yun sarili ko na darating ka. Sabi nila hindi ikaw yung tipong hinahanap dahil pag ginawa ko yun lalong hindi kita makikita. At sa bilyun bilyong tao dito sa mundo sa totoo lang hindi ko rin alam kung saan ako magsisimula na hanapin ka. Hindi kaya't andyan ka lang sa tabi-tabi? Nakatanaw at nagmamasid sa di kalayuan? O napadpad na kung saan at naligaw ka na ng tuluyan? Nakakainis na kasi. ikaw ang laging nasa isip ko at pati yung puso ko naging malimit mo ng tambayan. Nangangarap na sana kasama na kita. Alam kong magiging masaya tayo sa bawat sandali. Alam kong hindi ka mang-iiwan di tulad ng iba dyan. Siguro kahit matagal ang paghihintay, worth it naman. Aasa ako na magkakatagpo tayong muli at ipagkakaloob na ng tadhana yung pagkakataon para sa tin sa tamang panahon. 

lubos na magmamahal,
Yung nakalaan para sayo

Maki-emote

ihayag ang nais sabihin ng iyong damdamin. (>‿◠)✌