Palatastas 7 - Unrecovered

Sa di inaasahang pagkakataon bigla na lang nawala lahat at ang masaklap ni isa walang natira.

As in wala.

Pinaghirapan at pinag-aksayahan ng panahon tapos sa isang kisapmata mawawala ng ganun ganun na lang. Yung tipong kahit umiyak, magwala at maglupasay ka pa, hindi na maibabalik lahat.

Wala na. Sobrang laki ng pagsisisi.

Sana hindi na lang....




Sana hindi ko na lang naisipan magsave ng pictures e di sana hindi nacorrupt yung memory card ko. huhu.
O baka kasalanan naman nung laptop? Dahil napuno na siya? 
Di man lang niya binigyan ng chance na maback up ko muna. Unfair lang.


Sa buhay may nawawalang hindi mo inaasahan at meron din namang alam mo ng mawawala pero inasahan mo pa ring sana hindi mawala sayo..



Pasensya na po kung O.A waaaah.  -___-

Maki-emote

ihayag ang nais sabihin ng iyong damdamin. (>‿◠)✌