"End" is the New Forever

Sa pagkakataong unti-unting naghihilom ang sugat na dulot ng nakaraan ay may bagong damdaming sumisibol at nagpupumilit na maramdaman.


Pag may umalis, may bagong dumadating
Pag may natapos, may nagsisimula
Pag may nawala, may natatagpuan

Pag may natagpuan, may nagsisimula
Pag may nagsimula, may natatapos
Pag may natapos, ayun umaalis.
Wala na ulit.


Love undergoes a series of multiple endings. Eto na siguro yun nagiging cycle ng lovelife ng karamihan. Kaya minsan nakakapagod ng magmahal, nakakasawa ng magtiwala, nakakawalang gana ng magcommit, nakakatamad ng mag-effort  lalo pa't alam mong mauuwi rin lang sa wala ang lahat. Yung pinilit mo naman, ginawa mo naman yung makakaya mo, naging totoo ka sa bawat pagkakataon pero hindi pa din naging sapat.




Buti pa ang "end" walang katapusang nagaganap sa bawat panig ng mundo, 
eh ang forever kaya, nagtatagal pa?

ewan.




oh nga pala, HAPPY VALENTINES! 

Sa pusong inlove (iiwan ka rin niyan!)
Sa pusong sawi (makakamove-on ka din!)
Sa pusong mamon (wag masyadong magpaabuso!)
Sa pusong bato (wag karirin ang pagiging manhid!)
Sa pusong mala-octopus (matutong makuntento sa isa!)
At pati na rin sa mga walang puso (makaramdam naman pag may time!)

^_____^



Maki-emote

ihayag ang nais sabihin ng iyong damdamin. (>‿◠)✌