Ang heartbreak daw hindi dapat ituring na kawalan kundi dapat tingnan ito bilang isang panibagong pagkakataon para makahanap ng taong mas higit na makakapagpasaya, kukumpletong muli at magtatama ng mga mali sa buhay mo.
Agree ka ba or Disagree kaya?
Agree kasi...
Sa bilyun-bilyong tao dito sa mundo imposibleng hindi ka makahanap ng taong magpapatibok muli ng puso mo. Oo alam ng puso mo sa kanya ka lang magiging masaya pero paano kung hindi na ikaw yung magpapasaya sa kanya? Paano kung kaya nga siya nakipaghiwalay sayo dahil wala na siyang nararamdamang pagmamahal at hindi na siya masaya sa piling mo? Mahirap ng pilitin ang umayaw na kaya mas makakabuting manahimik na lang sa isang tabi kung saan dapat hindi mo sila makitang masaya para iwas emote. Hindi porket iniwan ka at pinagpalit ka na sa iba eh sasayangin mo na ang buhay mo sa pagiging bitter. Hindi pa katapusan ng mundo kahit pa sa pakiramdam mo parang ganun. Masakit, oo bakit sino ba nagsabing hindi? Lalo na kung sobrang pagmamahal yun ibinigay mo.
Pero sa totoo lang, kahit pa puno ng galit at sakit ang nanunuot sa puso mo ke aminin mo man o hindi - kailangan mo pa rin ng taong kakalinga at magpapahalaga sayo. Yung at that point in time magmumulat sayo na may buhay pa pagkatapos ng heartbreak na yan. Walang masama dahil isa yun sa purpose ng tao sa mundong ito, ang magmahal at maramdam na may nagmamahal. Isa yang need sa buhay ng bawat tao. Pero depende rin dahil di naman porket kailangan mo ng magmamahal eh hahanap ka ng rebound at gagamitin mo lang na parang band aid na pantapal sa sakit at pain reliever para makaget-over sa ex mo. Siyempre isaalang-alang mo pa rin na kung papasok ka sa isang relasyon siguraduhin mong handa ka ng magmahal ulit. Yung handa ka na uli ibigay yung bahagi ng sarili mo sa taong yun. Yung alam mong this time kakapit ka na ng mahigpit at hindi na bibitaw muli. Be fair enough sa taong yun at lalo na sa sarili mo.

Conflict:
Yun nga lang kung gaano man kadaling humanap ng kapalit, ganun din kahirap umasa kung magtatagal ba yun o mang-iiwan lang din bandang huli. Kaya wag ka rin makampante dahil hindi porket may "love" may "forever", laging may hangganan yan. Believe me.
Kaya habang inlove na inlove pa kayo sa isat isa sulitin nyo lang, before the love-feeling expires. (hirit lang)
Disagree kasi..
May posibilidad na "siya" pa din yun tanging tinitibok ng puso mo. Hindi rin maikakaila yung katotohanan na minsan sa iilang pagkakataon may level ng pagmamahal na mahirap ng mapantayan. May mga taong hindi kayang mapalitan sa kung paano mo siya minahal. May mga alaalang exclusive lang na kahit gayahin pa hindi matatapatan ninuman. Dahil minsan kahit wala na yung "kayo" naiwan pa rin sa puso mo yung bahaging inilaan mo para lang sa kanya. So sa point na to, hindi mo gagamiting dahilan ang heartbreak para pumasok muli sa panibagong relasyon dahil alam mong hindi yun ang solusyon at hindi yun ang exactly na gusto mong mangyari sa buhay mo sa mga panahong to.
Okay kung mapilit ka, siguro darating din sa point na hindi mo maiiwasan na mahuhulog ka sa iba at eventually magmamahal ulit. Pero sa kabila nun hindi mo pa rin maitatanggi sa sarili mo na may kaliit-liitang space sa puso at isip mo na bantay-sarado pa rin ng nakaraan. Parang multo na patuloy na gagala sa isip mo once in a while. Para ding lumang painting na kahit puro alikabok na sa sobrang tagal eh nakadisplay pa din sa kisame ng puso mo kahit na marami ka ng ibang bagong painting. Isang matinding mantsa na panahon lang ang makakapagsabi kung kailan kukupas, kung kailan tuluyang mawawala.
_____________________________________________________
Kadalasan ang pagmamahal na ibinibigay natin sa isang tao ay may kanya-kanyang level. Hindi pantay-pantay. Merong sobrang mahal natin, merong sakto lang at meron din na kahit magkawalaan, wapakels lang. Kaya minsan sobra tayong nasasaktan dahil sobra din yun pagmamahal na naibigay natin.

Siguro ganun pag nagmahal ka talaga ng totoo at nahulog ka ng todo sa bangin ng pag-ibig. Hindi basta-basta nawawala, it takes a lot of time and effort para magheal ang sugat ng heartbreak na yan. At lalong mahirap mahanap yung pagkakataon na makita mo sa ibang tao yung kaligayahan at ikakakumpletong muli ng sarili mo dahil patuloy ka pa ring nakatanaw sa nakaraang hindi ka na babalikan.
Sabi mo lang yan Popoy pero sa puso mo si Basha pa rin talaga. Tsk.
Kadalasan ang pagmamahal na ibinibigay natin sa isang tao ay may kanya-kanyang level. Hindi pantay-pantay. Merong sobrang mahal natin, merong sakto lang at meron din na kahit magkawalaan, wapakels lang. Kaya minsan sobra tayong nasasaktan dahil sobra din yun pagmamahal na naibigay natin.
Give time. Wag magpakabitter pero wag mo din naman papaniwalain yun sarili mo na okay ka na kahit alam mong hindi pa. ayos lang umiyak paminsan-minsan, kung kinakailangan.
Sa panahon na nararanasan mo ang heartbreak, hindi mo kailangang magmukmok na lang sa kawalan habambuhay. Hindi porket iniwan ka ng mahal mo eh iiwan mo na din ang sarili mo. The only love you shouldn't lose is the love you should always have for yourself. Gawin mo yung mga bagay na magpapasaya sayo. Don't hold back. Try something new na makakabuti at lalong magpapaimprove ng sarili mo. Yung magbabalik ng dating ikaw na nawala o nasira ng dahil sa sobrang pagmamahal na yan. At higit sa lahat, wag mong isarado yung buhay mo sa lahat ng oportunidad na kakatok dahil lang nasaktan ka sa iisang tao. Tama na ang pag-iinarte, ang natapos lang ay yung eksena niya sa buhay mo at hindi yung istorya ng buhay mo. Marami pang sunod na magagandang bagay na maaaring mangyari. Kaya marapat lang na simulan mo na ang next chapter ng buhay mo..habang may panahon pa.
Kung para sayo, para sayo.
Kung hindi, bahala na si batman.
Tuloy pa rin ang buhay.
Tuloy pa rin ang buhay.
Maki-emote
ihayag ang nais sabihin ng iyong damdamin. (>‿◠)✌