Palatastas 4

Hello readers! Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan. Lately, sobrang busy sa katamaran kaya puro tula na lang yun nasusulat ko. Haha! Walang sense. Mas madali kasing isulat yun mga tula kesa sa mga sanaysay na minsan kailangan ko pang maghukay ng sobrang lalim para makahugot lang ng emosyon. Para sa mga assuming po — uulitin ko, hindi naman po ako bitter. Sadyang gusto lang mag-emote paminsan-minsan. Hihi.

5 years and counting, hindi ko alam kung hanggang kailan kami nitong emoterang notebook ko. Minsan kasi naiisip kong tumigil na dahil baka maubusan na ko ng emo-brain cells. (Seriously!) Pero kung iisipin ko, sa ngayon eto na lang yung hindi mawawala. Wala naman siguro balak magsara ang blogger noh? *evilgrin

May nagtanung pala ulit sakin, bakit daw laging kalungkutan ang tema ng mga sinusulat ko. Wala daw bang happy ending man lang? Ang dali lang nung tanong pero parang naghanap pa ako ng sagot sa napakalayong lugar. Hindi ko rin alam pero mas madali atang mag-emote sa kalungkutan kesa sa kaligayahan. Haha. Palagay ko lang naman po yun at hindi ko sinasabing ganun na. Siguro, darating yun araw na mahahanap ko yun tamang dahilan kung bakit nga ba.

2 comments:

  1. maraming dahilan to be happy, in time ul see, in God's perfect time too. Think of happy thoughts, pero kebs! masaya din naman magemote minsan! hahaha happiness din yon y not divah! hihihihi

    ReplyDelete
  2. mas maganda isalaysay ang kalungkutan na may katuturan kesa kasiyahan na wala naman kwenta haha! ang paradox ng comment ko.

    -napadaan lang po ^_^

    ReplyDelete

ihayag ang nais sabihin ng iyong damdamin. (>‿◠)✌