Ano nga ba ang pag-ibig?
Paano mo malalamang pag-ibig o love na pala ito?
Minsan may mga bagay na mahirap ipaliwanag at higit na mas mahirap intindihin pero kapag naramdaman mo na ito, saka mo malalaman kung ano nga ba ito.
So...ano nga ba ito?
Ang pag-ibig, isang salitang mahirap bigyan ng tamang kahulugan. Gaano man karami ang depinisyon napapaloob sa dictionary ukol dito, subukan mo mang i-search sa google at kahit pa i-translate sa iba't ibang lengguwahe, wala ni isa sa mga yun ang makakapagbigay ng naaayong kahulugan. Dahil ang pag-ibig, hindi isang salitang binibigyan ng kahulugan, kundi isa itong napakahiwagang damdamin na mararamdaman mo ng biglaan, sa pagkakataong hindi mo lubos na inaasahan, sa taong hindi mo inaakalang mamahalin mo pala.
Hindi ito nasusukat sa tagal ng pagkakakilala, o maging sa dalas ng pagkikita. Hindi ito natitimbang sa lalim ng pagsasama o sa dami ng mga pagsubok na nalampasan. Kusang titibok ang 'yong puso sa isang taong maaaring sana ay nakalaan para sayo. Kahit anong pag-iwas pa'y hindi mo magagawang takasan at pigilan. Wala ka ng ibang magagawa kundi hayaan itong pumasok sa iyong buhay.
"The Heart Sees What is Invisible to the Eyes.."
Once tinamaan ka ng pana ni Kupido, sa ayaw mo man at sa gusto, magagawa mong isantabi ang minsang mga "standards" mo sa pagpili ng ideal partner. Swerte kung overqualified siya sa kung ano lang ang inaasahan mo. eh paano kung medyo bagsak? Tatanggapin mo pa kaya? Oo may choice ka pa rin piliin yun gusto mo sa ayaw mo, pero kapag puso na ang nagdikta, tiyak mahihirapan kang pigilan. It's either, oo ngayon maaaring nagtagumpay ka sa pagsalungat mo sa iyong damdamin, ngunit sigurado kalaunan manghihinayang ka sa pinakawalan mo. Kadalasan, mahuhulog ka sa isang taong hindi mo inaakalang mamahalin mo. Andun yun kakaibang magnetic force na naglalapit sa inyo, yung butterfly feeling na kung pwede lang literal na buhay na butterflies yun e makakapagtayo ka na ng butterfly farm at yung unlimited na spark na kung pwede nga lang iconvert as electricity eh hindi mo na kailangan pang magsubscribe sa Meralco. Ni hindi mo alam kung saan nagmumula, pero for the first time in your life masasabi mong ngayon mo lang naramdaman yun. As in iba sa noon yung ngayon.
At dahil nga hindi laging nakakapili ng mamahalin, hindi ka lubos makakasigurado kung "pasado" siya sa expectations mo lalo na sa physical looks. Sabihin mo ng hindi siya kagandahan o kagwapuhan gaya ng mga nakaraan mo at obviously not your type. Yung hitsurang sakto lang. Para siyang isang ordinaryong sunflower kasama ng iba pang mga sunflower sa isang sunflower garden. (Favorite ko yun sunflower..pagbigyan haha) Hindi pansinin, lalong hindi sikat at maaaring hindi rin kasing yaman, pero Siya yung taong gusto mo laging makasama at makausap. Siya yung bumubuo ng araw mo. Siya ang dahilan kung bakit may ngiti sa labi mo na tumatagos hangggang sa puso mo. Siya yung dahilan kung bakit ka masaya. I guess, yan ang simula ng pag-ibig. Ganun kasimple.
Unti-unti makikilala mo siya at mapagtatanto mo hindi na siya isang ordinaryong sunflower lang, kundi isang napaka-espesyal at napakagandang biyaya ng langit. Mapagmamasdan ng iyong pusong nahuhumaling ang mga bagay sa kanya na hindi minsan nasilayan ng mapanuri mong mata. Tuluyan kang mabibighani sa mga katangiang sa kanya mo lang nakita. Yung pakiramdam na, wala ka namang hinahanap sa buhay mo pero heto't may natagpuan kang lubhang napakahalaga. Mamahalin mo siya hindi lang dahil may hitsura pala siya, kundi dahil alam mong nag-iisa lang Siya sa bilyun-bilyong tao dito sa mundo na nagpapabilis ng tibok ng puso mo. Yung katotohanang dati okay sayo kahit mag-isa ka lang pero ngayon hindi mo na alam kung anong gagawin mo kapag nawala siya. At kahit pa alam mong maaaring marami ang makahigit sa kanya, ramdam mo yun kasiguraduhan na Siya lang at wala ng iba pa ang kukumpleto at kailangan mo sa buhay mo. Dahil ang pag-ibig, nakakabulag yan.. sa paraang wala ka ng ibang makikita kundi, Siya lang.
"Outer Beauty attracts the Eyes, Inner Beauty captivates the Heart.."
Alam mong maaaring in-love ka na nga pero kahit ikaw tinatanong mo pa din yun sarili mo "Totoo ba ito?" May kung anong kakaibang pakiramdam na hindi mo maipaliwanag at kahit ikaw mismo hindi mo mapaniwalaan kung totoong nangyayari ito sayo. Baka kasi hallucinations lang dahil sa sobrang tagal mong naging single. O di kaya baka humahanap ka lang ng replacement para sa pag-ibig na recently nawala sayo. Ano nga ba? Walang katapusang mga katanungan ng puso na di masagot-sagot ng isip mo. Ang pag-ibig, masaya naman kaso nakakatakot. Dahil hindi mo alam kung saan ka dadalhin ng emosyong ito at kung hanggang kailan ito magtatagal.
Minsan sadyang mahirap pa din talagang paniwalaan kung paano nabubuo ang pag-ibig sa damdamin ng isang tao. Kung saan ito nagmumula. Kung kailan ito darating. Kung paano ito tumitindi kahit na sa taong ni hindi mo pa nakikita o bihira mo lang makasama. Kung bakit nararamdaman pa ito kung mawawala rin lang sa bandang huli. Bakit pa nga ba..diba?
Sa larangan ng pag-ibig isa lang ang tiyak na sigurado, huwag mong subukang bigyan ng kahulugan ang pag-ibig, hayaan mo lamang ito ang magbigay ng kahulugan sayo at sa buhay mo.
"Ang totoong pag-ibig,
hindi mo alam ang dahilan kung bakit
nahulog ang loob mo sa kanya."
hindi mo alam ang dahilan kung bakit
nahulog ang loob mo sa kanya."
Maki-emote
ihayag ang nais sabihin ng iyong damdamin. (>‿◠)✌