Walang Jackpot

Sabi ng hindi pwede
pero ipinilit pa din
Maghihintay kahit gaano katagal

Nung sumugal ng lubusan
Buong akala'y magtatagal
Ngunit natapos ng di inaasahan

Nang mapagod at magsawa
Parang basurang itinapon lang
Ang minsa'y ginto sa paningin

Marahil nakahanap ng tanso
Tila mas kapaki-pakinabang
Ginhawa't kaligayahang mapanukso

Hindi mapigilang masaktan
Bakit nga ba dumating kung lilisan rin pala
Mga katanungang walang kasagutan

Nasayang ang lahat
Tadhana ang tanging salarin
Binigay nga ngunit binawi rin.



Maki-emote

ihayag ang nais sabihin ng iyong damdamin. (>‿◠)✌