Minsan siguro mas madaling isisi sa ibang tao yung mga kamalasang yun kahit na obviously hindi naman makakatulong dahil wala silang pakialam at wala rin silang magagawa para sayo. Maiinggit ka na lang tuloy sa mga taong walang kahirap hirap na nabubuhay ng ayon sa gusto nila.
Minsan din kasi kahit pa nagsusumikap ka naman, paulit ulit ka pa ding mabibigo na parang naging cycle na ng buhay mo hanggang sa tuluyan ka ng panghinaan ng loob. Yung mawawala na lang yung fighting spirit mo para lumaban pa kasi sa ending alam mong wala ka din mapapala kundi disappointment at rejection lang. Ramdam mo yung pagkapagod at pagkasawa pero wala kang magawa kasi humihinga ka pa din at kailangan mo pa din magsurvive kahit papaano.
Nabubuhay nga ba ang isang nilikha
para lang mamatay ng paulit ulit?
Maki-emote
ihayag ang nais sabihin ng iyong damdamin. (>‿◠)✌