Pighati ng Pagkabigo

Halos lahat ng tao umaasa na makakatagpo sila ng totoong pagmamahal, yun hindi sila iiwan sa kahit anu pa mang dahilan. Isang malaking parte ito ng bawat buhay ang magkaroon ng special someone, ng taong makakasama natin sa pagbuo ng mga pangarap at future plans, yun tao na nanaisin natin maging parte ng buong buhay natin. Lahat ng seryosong relasyon inaassume na sila na yun para sa isa't isa yun tipong panghabambuhay na silang magkakasama pero masaklap nun, dumadating pa din sa point na marerealize mong hindi pala.

Ikaw ba ang nagkulang o Siya yung hindi na ginusto pang lumaban? 

Paano kung gusto mo pa siyang ilaban, siya pa din yun gusto mong piliin pero mas pinili na lang niyang bumitaw at kumawala sayo? Maraming dahilan para mag-giveup ang isang tao pero anuman ang dahilan, sa taong totoong nagmamahal, hindi niya pipiliin ang choice na alam niyang mas makakasakit sa taong nagmamahal ng labis labis sa kanya. Sana sa bawat taong nagmamahal, alam kung paano magpahalaga at sana alam din nila na hindi basura ang isang relasyon na pag nagsawa at napagod na, itatapon na lang. Napakaunfair nun diba.

"Ang pag-ibig minsan hindi mo makikitang darating pero kapag aalis na, bukas mata mo pang mapagmamasdan."

Maki-emote

ihayag ang nais sabihin ng iyong damdamin. (>‿◠)✌