Palatastas 3 - Special Edition

Hello at kamusta ulit sa inyong lahat! Ngayon ay........

Ika-5 Anibersaryo ng Emotera's Notebook! 

Parang kailan lang nung nagsimula akong magsulat dito, akalain mo yun limang taon na pala ang nakalipas.  Masaya din kasi umabot ng ganito katagal at hiling ko eh mas marami pa akong maisulat. Pagpasensyahan niyo na po kung minsan masyadong madrama yung mga naisusulat ko dito. (Actually madami pa yun nakadraft lang hehe) 

Masayahin naman po akong tao hindi lang halata masyado. Minsan kasi ganun lang talaga yung timpla ng mood ko. Ika nga, BITTERSWEET.

May nagtanung pala sakin, saan daw ba ako humuhugot ng emosyon para makapagsulat ng mga madamdaming sanaysay. Napatanong tuloy ako sa sarili ko..saan nga ba? Siguro galing sa puso ko papunta sa isip tapos tumutulay sa litid at ugat papunta sa mga daliri para maisulat ko. Hehe! 

Okay serious na. hihi. Mostly, sa mga pinagdaanan ko, sa mga pinagdadaanan ng mga nasa paligid ko at malaking impluwensya din yun mga pelikulang mapapaemote ka talaga lalo na yang One More Chance na yan, pahamak.

So yun..more years to come, E.N!

Maki-emote

ihayag ang nais sabihin ng iyong damdamin. (>‿◠)✌