Certified Pagod

"Love is like a text, it needs space."

Sa bawat relasyon, dumadating ang lahat ng pagsubok na either mas magpatibay ng pagmamahalan o wawasak ng lahat.  Oo sa simula andun yun kinakaya niyo dahil alam niyong mahal niyo talaga ang isa't isa.  Sa lahat ng problemang dumadating, kayo yun tanging magkaramay at magkakampi.  Madalas kung minsan, nagtatalo man kayo at nagkakainisan pero in the end, yung "kayo" pa rin ang mahalaga.  Lahat ng sakit at saya, hirap at ginhawa, magkasama kayo, magkahawak kamay at hindi bumibitaw sa bawat isa.  Masaya kahit mahirap ang sitwasyon. At sa tamis ng ngiti at kislap ng matang masisilayan sa bawat pagkikita, balewala ang hirap at sakripisyong pinagdadaanan.

Ngunit paano kung dumating ang time na makaramdam na ng pagod?  Na sa sobrang dalas ng pagtatalo naubos na yung pasensya?  Na dahil ikaw yung laging nag-eeffort at umiintindi pakiramdam mo hindi na worth it pa?  Paano kung dumating sa puntong yun pagmamahal na dati'y walang kasing tamis ay hindi na maging sapat para magpatuloy pa?


Maraming dahilan para mapagod ang isang tao sa isang relasyon. Pero pwedeng hatiin ito sa dalawang kategorya.


STILL INLOVE
Andun pa din naman yun pagmamahal pero napagod as in nadrain yung patience niya para intindihin ka sa lahat - sa mga pag-iinarte moods mo, mapapersonal issues o complicated situations. Nadrain yung energy, tiwala at kumpiyansya niya sa sarili niya at sa relationship niyo. Tipong nalubog yung positive feelings niya para sa relasyon niyo dahil puro negative - away dito, away dun. Andun na yung takot.  Yung dahil sa sobrang pagmamahal niya sayo, nakalimutan niya o kinalimutan niya ang sarili niyang mga kagustuhan dahil ikaw yun laging nasusunod at pinapaboran niya sa lahat.  In a way, gusto din naman niya dahil part naman yun ng relasyon diba. Pero andun yun realization na pwedeng dumating sa kahit sinong tao na, napagod na lang talaga siya na pasayahin ka, naisacrifice yun kaligayahan niya para sayo dahil nga ikaw yung kaligayahan niya. Pero in the long run, hindi rin pala tama yun. Napagod siya dahil narealize niya na parang hindi na siya naggo-grow as a person he/she wants to become dahil nga masyado siyang nalunod sa pagmamahal that leads to suffocation.  Yeah, nasakal na siya. Akala niya masaya pa siya pasayahin ka pero hindi na pala at this time na naramdaman niya yun pagod factors.  Napagod siya sa existence mo na laging ikaw yung nasusunod, nangingialam sa gusto o dapat gawin ng partner mo na buong akala mo okay lang sa kanya yun pala hindi na.  So it happened na gusto niyang lumayo, mapag-isa para mahanap niya yung mga bagay na nawala sa kanya. Andun yun pag-asa na pwedeng maging kayo ulit dahil may residue pa ng pagmamahal na hindi pa naman nawawala.

Summary: KAILANGAN NIYA NG SPACE PARA MAG-ISIP AT HANAPIN ANG SARILI NIYA NA NAWALA NUNG NALUNOD SIYA SA SOBRANG PAGMAMAHALAN NIYO.
(posibleng ganun, posible rin namang may iba pang dahilan)



FALLEN OUT OF LOVE
Yung pagod na dahil may third party, na sa tuwing hindi kayo okay may isang tao na nagpupuno ng mga kakulangan mo kaya marerealize na may mas better pa sayo kaya ang resulta mapapagod na lang siya dahil alam din naman niyang may sasalo sa kanya na mas better pa. Or baka sadyang nagsawa lang talaga siya sayo.  Eto yung pagod na masaklap kasi tanggapin mo man o hindi, hindi ka na niya mahal.  Wala na ni katiting na pagmamahal, ni pakiramdam o pagtingin sayo.  Total wash out of feelings.  As simple as napagod na siya kasi hindi ka na worth it pa.  No chances. No luck.  Yung pagod na nakahinga na siya ng maluwag. Walang nawala sa kanya dahil he/she feel free nung nadispatsa ka na niya.  He/she finally got rid of you. Oo masakit, pero yung yun totoo.

Summary: HINDI NIYA KAILANGAN NG SPACE, ANG KAILANGAN NIYA MAKAWALA SAYO

 --------------------------------------------------------------------------


Bandang huli, maitatanong mo sa sarili mo,

Mahal pa rin ba niya ako kahit napagod na siya?

o

Napagod na siya dahil hindi na niya ako mahal?

Maki-emote

ihayag ang nais sabihin ng iyong damdamin. (>‿◠)✌