Bitter Ocampo

Bakit may mga taong gusto natin makasama pero pilit silang gumagawa ng dahilan para makawala? Nagkakataon nga lang ba o sadyang yun ang nakatadhana?  Yung totoo, masakit umasa sa wala, mahirap maghintay at mag-assume na lang sa kung ano lang yun laman ng isip natin. Alin nga ba ang totoo kung sa simula pa lang ng lahat hindi naman pala nakitang lubos ang katotohanan. Masyadong mapanlinlang ang lahat ng bagay dito sa mundo lalo na sa tao, minsan yung akala mong sayo na, nakalaan pala para sa iba.

Sabi nga ang true love ay para sa matatapang na tao lang. Pero saan nga ba humuhugot ng tapang at lakas ang taong nagawang mang-iwan, umiwas at naglahong parang bula? Siguro ang pang-iiwan parang karera, una-unahan na lang dahil pag ikaw yun natalo ikaw yun uuwing luhaan...at mag-isa sa bandang huli.

Maki-emote

ihayag ang nais sabihin ng iyong damdamin. (>‿◠)✌