Yung naghihintayan na lang pala kayo
kung sino yung unang bibitaw.
kung sino yung unang bibitaw.
Ang saklap. Sa hinaba-haba ng relasyon, sa hiwalayan din pala ang tuloy. Sobrang sakit yung patuloy ka pa din umaasa kahit na alam mong wala ka ng aasahan. Worse, di ka naman pinapaasa nung tao, feel mo lang talaga umasa. Yung tipong pakiramdam mo ikaw na lang yung nakakapit, na sa isang maling galaw bibitaw na siya sayo. Gusto mo pa, gusto mo naman maayos eh pero paano kung ayaw na niya? Kung mas madali sa kanyang tanggapin na magkawalaan na lang kayo kesa sa ipaglaban yung kayo. Paano kung lahat na ng dahilan ginawa na niya magalit ka lang at masaktan ng todo para mawala ka na ng tuluyan. Yung hindi niya masabi ng diretso na "ayaw na niya" kaya pinaparamdam na lang niya. Yun bang ayaw niyang manggaling sa kanya yung pakikipagbreak dahil ayaw niyang magmukhang siya yung nang-iwan. Oh well. Hindi naman kasi lahat ng nang-iiwan sila yun laging may kasalanan. Kadalasan sila pa yung agrabyado sa sitwasyon. Like they have no other choice but to run away kesa ipagpilitan yun sarili nila sa taong sinasaktan lang sila. Sa taong hindi pala sila kayang panindigan at ipaglaban gang sa huli. Case to case basis din naman yun. Depende pa din sa sitwasyon at pangyayari. Ang sigurado lang, sa bawat hiwalayan halos pareho lang din yung amount ng sakit na nararamdaman ng bawat isa. Pwera na lang siguro kung may reserba. Muhaha!
Nakakalungkot isipin na minsan akala mo abot kamay mo na yung truelove pero bigla ka na lang magigising sa bangungot ng katotohanan na pinaniwala mo lang pala yun sarili mo na totoong pag-ibig yung natagpuan niyo. Siguro sa una, totoo pero nung tumagal pano kung pagpapanggap na lang pala? Worser, baka inassume mo lang na same level ng pagkainlove yung nararamdaman niya sa nararamdaman mo.
So why believe in true love? Why even believe in forever? When obviously. it has it's own expiry date.
So mag-isa ka na lang bumubuntong hininga't maiisip mo na akala mo siya na, hindi pala.
Maki-emote
ihayag ang nais sabihin ng iyong damdamin. (>‿◠)✌