Reel Love

Akala mo siya na akala mo kayo na yun para sa isa't isa only to find out in the end na magkakahiwalay din pala kayo.
Minsan sa buhay ng tao, may pag-ibig na darating na hindi mo inaasahan. Yung akala mong okay lang kahit wala, ngunit kapag naramdaman mo na ito,  hindi mo na ito kakayaning mawala pa sayo. Ika nga, it has been a part of your whole being na pag nawala alam mong ikalulugmok mo. Paano nga kung sa kabila ng walang hanggang pangakuan sa isa't isa dumating yung time na hindi na kayang manindigan pa. Maitatanong mo na lang sa sarili mo, ikaw ba yung nagkulang o siya yung hindi na lumaban? Na ang tanging sagot na lang ay ang mang-iwan. Mas madali nga bang mang-iwan na lang kaysa solusyunan at ayusin ang lahat? Pano kung wala ng spark? wala ng kakilig kilig? wala ng lambing at effort, ubos na ang pasensya. Puro away at tampuhan na walang katapusan. Parang wala ng pag-asang maayos ang lahat, yung dating tamis ng pagmamahalan napalitan na ng pait at hinanakit.

 Ang pinakamasakit na goodbye ay yung hindi pa naririnig ng tenga mo pero naramdaman na ng PUSO mo.
 



Maki-emote

ihayag ang nais sabihin ng iyong damdamin. (>‿◠)✌