How Can i Forget

Paano mo nga ba lilimutin ang isang taong naging malaking parte ng buhay mo? Halos sa kanya na umikot yung buong buhay mo.  Bawat oras sa araw araw siya yung kausap mo.  Mula umaga hanggang sa umagahin na kayo sa pag-uusap.  At sa tuwing mamamasyal naman wala kang nais makasama kundi siya lang.  Ika nga, inseparable kayo.

But what if dumating yung time na magkalayo na kayo?  Yung biglang wala ng kasiguraduhan ang lahat ng akala mo totoo, yun akala mo sayo na, hindi pala.  Yung akala mo sobrang halaga mo sa kanya yun pala may iba ng mas mahalaga pa para sa kanya.

Makakaya mo ba ang sakit ng pangungulila?

Masakit maiwan pero mas masakit yung naniwala ka na hindi ka niya kayang iwan pero sa isang iglap, nagawa niya - dahil sa iba o dahil yun ang tingin niyang makakabuti para sa kanya.

Paano ka ngayon?

Wala kang choice kundi tanggapin na may taong walang matibay na paninindigan.  Paiibigin ka sa una at paaasahin lang sa bandang huli.  They only care for themselves.  Sino ka ba diba?  Ikaw lang naman yun tangang umibig sa taong akala mo hindi ka iiwan at pababayaan.

Ang totoo hindi mo na magagawang makalimot dahil kahit anong gawin mo nakatatak na siya sa puso't isipan mo.  Ang magagawa mo na lang matutong masanay na mag-isa tulad ng dati bago pa siya dumating sa buhay mo.

Mahirap? Sobra.

Letting go is not a one time process, you have to do it everyday....over and over again.

3 comments:

  1. haisst may pinagdadaan ka ate? hirap noh?
    mahirap mag move on lalo na kung alam mong pinagpalit ka. yun umasa ka na hanggang sa huli kayong dalawa, naniwala ka sa kasinungalingan na walang problema ang relasyon nyong dalawa...

    alam ko kung gaano kasakit.. been there done that.
    mahirap. masakit. pero kailangan mo nga talaga tanggapin ang katotohanan.. at yun lang ang way para marecover mo ang sarili mo..

    at ang haba na ng kwento ko.. pasensya na nadala lang hehe ^_^

    ReplyDelete
  2. Wala naman akong pinag dadaanan, nakiki-daan lang at makiki-emote :D At naalala ko ang favorite quote ko na ito sa Criminal Minds nung namatay ang pinakamamahal ni Dr Reid.

    “Sometimes the hardest part isn't letting go but rather learning to start over.”

    ― Nicole Sobon

    ReplyDelete
  3. damang dama ko naman ito. pinagdaanan. now enjoying life and starting over. :)

    ReplyDelete

ihayag ang nais sabihin ng iyong damdamin. (>‿◠)✌