Basket na butas

Habang tumatagal ang isang relasyon kasabay nun yun takot na mauwi sa wala ang lahat ng sinimulan.  Ang pakikipagrelasyon ay parang pag-iipon sa bangko.  Naglalabas ka ng malaking tiwala at pagmamahal, at pera din kung minsan diba? Para ring negosyo, nagbibigay ng labis labis na pag-intindi at effort para maging maayos ang lahat.  Hindi dapat mawala ang interes ninyo sa bawat isa dahil pareho kayong malulugi at mawawalan pag nangyari yun.  Kailangan maging matatag sa lahat ng pagsubok at problemang haharapin para magtagal.

Ngunit paano nga ba kung panghihinayang na lang sa taon ng pagsasama kaya nagtatagal ang isang relasyon?  Dahil sa pagod ng magpaulit-ulit sa umpisa, dahil sa sobrang tagal niyo na, magtitiyaga na lang kahit lagi ka na lang nasasaktan.  Hindi ba't lalong mas sayang yung hinahayaan mong lumipas ang panahon sa taong hindi mo alam kung ikaw pa din ang gustong makasama o maaaring hinihintay na lang niyang bumitaw ka para maging malaya na siya.

Oo nga mahal mo siya eh ikaw mahal ka pa ba niya?  Tulad pa din ba siya ng dati na malambing, mabait at unlimited ang pasensya pag tinotopak ka?  O tipong konting tampuhan lang at di pagkakaunawaan babanat agad siya sayo ng "maghiwalay na tayo!"

Oo nga nag-iisa lang siya alam mo wala ka ng makikitang tulad niya kaya talagang sinabi mo sa sarili mo na hinding hindi ka bibitaw anuman ang mangyari.  Eh siya kaya ganun din sayo?  Tingin mo ba kasing tibay ng epoxy ang kapit niya sayo o scotch tape lang na anytime pwedeng matanggal?

Mas masakit sa taong nagmamahal ng totoo, yun naniwala na forever sila. Unfair diba?
 The case is the other loves too much while the other loves too little.

Sa panahon ngayon, hindi lang sa pag-iipon sa bangko o pagtatayo ng business kelangan sumugal, maging sa larangan ng pag-ibig kailangan mo ding sumugal, itaya ang puso mong makakahanap ng tunay na pagmamahal o di kaya'y masasaktan lang muli.  At sana sa bawat pagsugal ng bawat tao sa mundo mahanap nila yung taong ka-match nila para hindi masayang ang lahat ng sinimulan,

Malalaman mo lang kung hanggang saan o hanggang kailan, pag natapos na.

2 comments:

  1. hais hais.. hehe.. Oo minsan panghihinayang na ngalang sa tagal ng pinagsamahan, kaya kahit nasasaktan na yung isa nagtitiis nalang.

    minsan hindi naden pantay ang pagmamahal ng isa.

    kaya dapat talaga sa pagmamahal hindi mawala yung sweetness,na alam naman naten na hindi pwede mangyari yu. dun papasok si uderstanding hehe.

    ReplyDelete
  2. minsan hindi naman yun sa panghihinayang kaya ayaw bumitaw. nagmamahal pa kaya kumakapit kahit nasasaktan. kahit may pag aalinlangan na, umaasa pa rin.
    ang pag stay sa isang relasyon ay isa rin sugal tulad ng pagsisimulang muli. hay...
    at tama "Malalaman mo lang kung hanggang saan o hanggang kailan, pag natapos na."

    ReplyDelete

ihayag ang nais sabihin ng iyong damdamin. (>‿◠)✌