Someday....

Matagal-tagal na din bago ako huling nakapag-update dito. Wala kasi akong masyadong maisip na topic. I mean, maraming tumatakbo sa isip ko na nais kong isulat pero hindi ko magawa. Tamang katamaran ang pinaiiral ko. Haha. Naeenjoy ko magbasa ng posts ng ibang bloggers at talaga namang naiinspire ako sa kanila. At eto naman walang anu-ano'y naisip ko lang bigla.

Well, simulan na ang first ever drama post this 2013.

Someday.. eto yung salitang paminsan minsan nating sinasabi sa ating sarili o sa ibang tao.

Para sa sariling pangarap - Someday, magiging successful ako.
Para sa pamilya - Someday, makakaraos din tayo.
Para sa taong minamahal - Someday, magkakasama din tayo.
Para sa mga taong iniwan - Someday, makakalimutan din kita!
Para sa mga taong umaasa - Someday, magiging akin ka din.
Para sa mga taong umaasa pa - Someday, malay mo baka tayo ulit.

Sa ibang araw, bukas makalawa,  sa ibang pagkakataon.. sa ibang panahon? Someday nga.

Maaring positive o negative ang meaning. Pwedeng for the better or tipong gusto nating magmalaki at ipakita sa buong mundo na may ibubuga tayo. Na hindi tayo pinanganak para apihin at iwanan lang basta ng kung sinu-sino jan.

Oh, Someday we’ll know
If love can move a mountain
Someday we’ll know
Why the sky is blue
 Someday we’ll know
Why I wasn’t meant for you…

Bakit nga ba may mga taong pinagtatagpo pa tapos bandang huli maghihiwalay din naman? Ano yun trial and error na pag hindi compatible, hahanap na lang ng bago? Maraming tao ang umaasa na matatagpuan nila yun taong nakalaan para sa kanila - yung right one at true love. Yun bang taong mamahalin ka hindi lang dahil sa looks mo - minahal ka kasi maganda, sexy, gwapo at macho ka. Kundi minahal ka dahil sa kung sino at ano ka. Na kahit mawala yung kagandahang pisikal, yung pagmamahal na yun hindi mawawala bagkus madadagdagan pa. Swerte yung mga taong natagpuan na yun ganong klaseng pagmamahal. 

Masarap sa pakiramdam yun hindi mo na kelangang mag-effort ng sobra para magpaganda/magpagwapo sa taong mahal mo dahil kahit ano pang hitsura mo e maganda/gwapo ka pa din sa paningin niya. Yun nakakasigurado ka na hindi siya maghahanap ng iba dahl sayo pa lang solve na solve na siya. Kontento siya sayo dahil hindi lang naman yun mukha mo ang minahal sayo kundi yung buong pagkatao mo.

Pero kadalasan, binabalewala natin yun mga taong alam nating sobrang mahal tayo. Malalaman mo na lang na nasayo na pala yun right one pag wala na, huli na ang lahat. Pinaglaruan, binalewala mo lang pala yun taong akala mo hindi mo mahal, na akala mo ang dali-daling mapalitan at kalimutan. 

Right one + True Love, 
yan yun mga bagay na pag pinalampas natin mahirap ng makahanap ulit. 

Ikutin mo man ang buong mundo, hindi ka na muli makakatagpo ng tulad Niya sa buhay mo.

5 comments:

  1. Gusto ko ang mga somdays na to:

    Para sa sariling pangarap - Someday, magiging successful ako.
    Para sa pamilya - Someday, makakaraos din tayo.
    Para sa taong minamahal - Someday, magkakasama din tayo.
    Para sa mga taong iniwan - Someday, makakalimutan din kita!
    Para sa mga taong umaasa - Someday, magiging akin ka din.
    Para sa mga taong umaasa pa - Someday, malay mo baka tayo ulit.

    "Bakit nga ba may mga taong pinagtatagpo pa tapos bandang huli maghihiwalay din naman?"
    Bakita nga ba? Siguro dahil para malaman natin kung ano talaga o sino talaga ang gusto natin? Yung mga ayaw natin? para malaman natin kung sino talaga o kung ano talaga ang kailangan at ang hinahanap natin sa huli. Ganyan. HAHAH!

    Gusto ko ang unang kaemohan na ito sa 2013! :) Keep posting! ^_^

    ReplyDelete
  2. para sa taong ambisyosa (tulad ko,wink) - someday, makakapunta rin ako sa Canada. :D

    ReplyDelete
  3. Someday matutupad din ang mga pangarap natin :)

    ReplyDelete
  4. Andami kong nalalaman basta someday

    ReplyDelete

ihayag ang nais sabihin ng iyong damdamin. (>‿◠)✌