infinity: walang hanggang sakit

 Hindi ako nagbago. Natuto lang ako.  Hindi kasi pwedeng habang buhay, TANGA AKO.

Sa kahit anong problemang dumating sa buhay mo, kung totoong nagmamahal ka, hindi solusyon ang pabayaan at iwanan ang isang taong labis na umasa at nagmahal sayo.

Naranasan mo na bang maiwan?

Napakasakit nun. Parang impyerno. Dahil ikaw ang magdadala at magpapasan ng lahat ng lungkot. Sisisihin mo ang sarili kung ano ba ang naging mali sayo. Kuwe-kwestyunin mo ang Diyos kung bakit ka nag-iisa, isusumpa mo bakit ka nagising sa umaga. Nagmahal ka ng totoo pero bakit ngayon miserable ka.

Sa araw araw na dumadaan, natatakot ka na baka tuluyang makalimutan ka na ng taong mahal mo. Kahit gustuhin mong makalimot, hindi ganun kadali. Paulit-ulit papasok sa isip mo yung taong minahal mo ng sobra-sobra, yung taong minahal mo mas higit pa sa buhay mo. At sa ngayon, wala ng pakialam sayo at hindi ka na naaalala.

Kung may mga panahong di mo maramdaman na mahal ka niya, un siguro ung mga panahong di mo din pinaramdam na mahal mo din siya.  Hindi naman siya manhid para di maramdaman ang pagmamahal mo. Lalo na, mahirap makipagsapalaran sa taong sa tinagal-tagal mang-iiwan din dahil may mas mahalaga na para sa kaniya.

-edited-
source: tumblr

1 comment:

  1. anu ba yun!? dahil broken hearted ako napadpad ako dito hahaha!

    ako Oo naranasan ko na iwan.. pinagpalit pa nga ako eh! grabe sakeit sobra! pero andito ako ngayon buhay pa haha! life goes on and on!

    ReplyDelete

ihayag ang nais sabihin ng iyong damdamin. (>‿◠)✌