Left Behind Story: "Engagement Ring"

December 26, 2000 12:09 A.M.
Kakatapos lang ng Pasko. Masaya ako kasi natapos ang araw na kumpleto kaming pamilya. Masaya rin ako kasi kasama kong nagpasko ang pinakamamahal kong si Andrew. First time ko kasi siya makakasama after 5 years mula nung naging kami. Masaya ako. Sobra.


December 26, 2000 5:08 P.M.
Di ko maintindihan si Andrew. Kahapon okay naman kami. Bakit kanina ang tahimik niya tapos kapag may ikinukwento ako parang ‘di ko siya kasama. Umalis siya bigla pagkatapos niyang mabasa ang isang text message. ‘Di siya nagpaalam, sayang pa naman ang inihanda kong salad para sa kanya. Tatanungin ko pa naman siya kung anong plano namin sa darating na anniversary namin. Sayang.


December 27, 2000 11:08 A.M.
Kahapon talagang nakakainis! Ngayon naman galit na galit ako. May nareceive akong text galing sa best friend ko. Nakita niya si Andrew sa mall na may kasamang babae. Sobrang ganda daw ng babae, at ang lalong ikinainis ko pa, sabi ng best friend ko nakita niya si Andrew at yung babae na pumasok sa isang jewelry shop. Sa tagal namin nagsama ni Andrew alam kong sobrang kuripot niya. Hindi siya basta basta gumagastos pero bakit sa babaeng yun gumagastos siya? Pinadalhan ako ng picture sa email ng best friend ko. Ang ganda nga ng babae at ang mas nakakainis pa doon ay pareho silang masaya. Kaya agad ay tinawagan ko siya. Pero ‘di suya sumasagot.


December 29, 2000 3:09 P.M.
Hindi pumunta si Andrew kahapon. Hindi rin niya sinasagot ang mga tawag ko. Kalaunan ay “cannot be reach” na ang linya. Umiiyak ako. Pangatlong araw na mula nung nalaman kong meron na siyang iba. Naguho ang mundo ko. Siya ang unang boyfriend ko. Siya ang una kong minahal ng sobra. Mula noong naging kami ay walang araw na ‘di niya ako nililigawan. Ginawan niya ako ng kanta. Inilibot niya ako sa mga magagandang lugar na ‘di pa masyadong napapasyalan. Ipinagluto din niya ako lagi. Iniligtas na rin niya ang buhay ko ng maraming beses. Nagagawa niya akong pakiligin kahit ‘di niya alam. Matapos ko maalala ‘tong mga bagay na ito. Lalo lang ako napaiyak. Nagkulong ako sa kuwarto maghapon. Wala rin akong ganang kumain.


December 29, 2000 11:58 P.M.
Nagtext si Andrew. Sabi niya magkita daw kami sa Quiapo church bukas ng alas-una ng hapon. Hala! Makikipagbreak na ba siya sa akin? Sa simbahan ng Quiapo ko siya sinagot noon. Siguro nga kung saan nag-umpisa ang lahat ay doon din dapat magtapos.


December 30, 2000 12:01 P.M.
Tumatawag si Andrew sa akin. Nang sasagutin ko na ang phone ay biglang nawala. Ayaw ko sanang pumunta sa simbahan dahil ‘di pa ako handa. Ayaw ko siyang mawala. Mahal na mahal ko siya. Ano ba ang dahilan bakit niya ako iiwan ng ganun lang? Anniversary namin ngayon. Ganoon lang ba kadaling tapusin ang lahat?


December 30, 2000 12:35 P.M.
Nagulantang ako sa nangyari. Kalalabas lang sa TV, ang LRT daw ay pinasabog sa may Blumenttritt Station. Sa sobrang kaba ko ay tinawagan ko agad si Andrew, ngunit nakapatay ang phone niya. Kinabahan ako sa nangyayari sa paligid ko.
—-
Pagdating sa simbahan ay ilang oras akong naghintay pero walang Andrew na dumating. Bawat sandaling nasasayang ay lalo akong kinakabahan. Nakita ko rin  yung babaeng kasama ni Andrew sa picture. Nasa kabilang dulo siya ng upuan. Grabe ang lakas naman ng loob niya para pumunta dito. Siguro gusto niyang ipanglaandakan na siya ang pinili ni Andrew kaysa sa akin. Susugurin ko na sana siya. Pero bigla siyang tumayo at dali-daling lumabas ng simbahan.
Sinundan ko siya sa labas, sa sandaling iyon ay napahinto siya sa paglalakad at binaba ang phone na  hawak niya. Akto naman na siyang pabalik ng simbahan nang bigla niya akong nakita. Tumakbo siya palapit sa akin at niyakap niya ako ng mahigpit.
Nagpakilala siya na nakakabatang kapatid ni Andrew, kababalik lang niya galing Amerika upang dito mag-celebrate ng New Year kasama si Andrew. Kasama ako.
Maya konti, Walang pasabi pa ay bigla siyang tumatangis at sinabing wala na si Andrew. Kasama daw siya sa biktimang sumabog na LRT sa Blumentritt. Pagkatapos ay iniabot ng kapatiid ni Andrew ang isang maliit na kahon. At sa loob nun ay isang singsing. Wala akong nagawa kundi mapaluhod at umiyak.


original post from cubaofarmer2



1 comment:

  1. Thank you for joining BNP! Your blog has been posted!

    You can also vote for your favorite blogs! The Top 5 highest rated will be displayed in the BLOGS OF FAME ;)

    For site news & updates, check facebook.com/blogsngpinoy

    ReplyDelete

ihayag ang nais sabihin ng iyong damdamin. (>‿◠)✌