Maiinlove ka na lang sa maling tao pa

Pag nainlove ka marami kang matututunan...

Malalaman mo kung paano umasa sa wala. Kung paano masaktan ng sobra. Kung paano umiyak ng walang nagpapatahan. Kung paano makipaglaban sa mga taong nakabangga dahil sa kanya. Malalaman mo kung paano maging desperado makita lang siya. Maiintindihan mo ang mga salitang Letting go at Moving on. At higit sa lahat, matututo kang sumuko sa isang laban na alam mong walang patutunguhan.


Minsan sa sobrang pagmamahal natin sa isang tao,pinipilit nating intindihin ang mga bagay bagay at sitwasyon na hindi natin alam at maintindihan. Pinipilit nating itama ang mga bagay na alam nating mali at kailanman hindi magiging tama. At pinipilit nating magtiis kahit sobra na tayong nasasaktan at nahihirapan. Ganun talaga siguro pag nagmahal ng sobra,pag nagmahal ng tapat at totoo. Gagawin ang lahat para sa taong minamahal kahit hindi na nararapat.

Maki-emote

ihayag ang nais sabihin ng iyong damdamin. (>‿◠)✌