If Im not inlove with you


INLOVE ka ba or LOVE mo siya? kala ko dati pareho lang iba pala! basahin para maliwanagan naman tayo.

"It's definitely different when you love someone and when you're inlove with someone"


Explanation:

Alin nga ba ang mas malalim? Loving someone or Being in love with someone?
marami sa atin ang na confuse tungkol dito.  Ikaw ba ay may girlfriend o boyfriend ngayon?

Mahal mo ba siya pero parang may isang tao na parang mahalaga din sayo o may mahal ka na akala mo eh mahal mo nga siya pero meron ka pa rin isang tao na minamahal ng totoo?

Kapag love mo ang isang tao masaya ka..Feeling mo ok na ang lahat... pero ang ma-inlove ka, ang siyang pinakamasakit sa lahat. Kasi ang mga taong inlove ay ang mga taong nagsasakripisyo at nagpaparaya.

Teka bakit ka nga ba nagpaparaya? Dahil ba hindi ka niya mahal o dahil hindi ka siguradong ok lang sa kanya?

Kung yan ang dahilan mo, walang duda na inlove ka nga sa kanya.

Kasi iniisip mo kung anong meron kayo sa ngayon ang tanging mahalaga at kontento ka na. Pero isipin mo paano kung mawala ang taong yon at talagang hindi na kayo mag-usap at magkita,

Kaya mo ba?

Paano naman kung sayo siya inlove at ibinigay niya ang lahat para sayo pero hindi mo napahalagahan ang lahat ng ito kaagad.  Paano kung isang araw naguluhan na siya sayo ng husto at maisipang lumayo na lang?
Paano kung sa sobrang pagiging iba mo sa kanya di ka na niya kausapin at tuldukan na niya ng tuluyan kung ano na ang meron kayo?  Then bigla mong na realize kung gaano ka importante sayo ang bawat isa kaya lang wala na siya.

Kaya mo ba?

Kung hindi ang sagot mo, malinaw na inlove ka nga...

Paano naman pag mahal mo lang, kapag mahal mo lang,alam mo na palagi kang may choice, ayaw mo siyang mawala dahil alam mong wala kang ipapalit.  Yung masaya ka sa kanya pero sa gabi hindi naman siya ang iniisip mo.  Mahal mo siya pero aminado ka sa sarili mo na balang araw hindi siya ang pakakasalan mo.
Mahal mo siya pero ang puso mo hindi lang para sa kanya..  Mahal mo at masasaktan ka pagnawala siya pero alam mo na kaya mo yon.

Ngayon anong nararamdaman mo?

DO YOU LOVE SOMEONE or YOU'RE INLOVE WITH SOMEONE?

Isang araw magigising ka na lang na INLOVE ka na nga pero kahit anong gawin mo ay huli na.  Dahil maaaring yung taong INLOVE din sayo ay wala na pala.  Tandaan mo: Masyadong mapaglaro ang puso huwag tayo magpaloko.  We learn to love someone pero minsan lang dumating sa atin ang pagkakataong ma-inlove.

Kaya kapag dumating ito, ano ang gagawin mo?

1 comment:

  1. haaaaay.. parang nananakot lang to sis haha.. magkaiba pa pala yun hmmmm sa tingin ko hindi ako in-love pero hindi ko rin sya mahal..ayun lang ;)

    ReplyDelete

ihayag ang nais sabihin ng iyong damdamin. (>‿◠)✌