Palatastas 13 - ゲームオーバー

Wui. Kamusta?

Oo. I still exist. Pero naknampusa hindi ko ramdam na buhay pa ako. 


Hindi ko alam..


bakit sa bawat serye ng episode ng buhay ko laging sakit na lang yun kinakailangan kong tiisin at harapin


bakit sa una lang masaya tapos laging masalimuot at makadurog puso ang ending


bakit masyadong tiwala ang universe sakin na lahat ng pait, hapdi at hirap eh makakaya ko


bakit?


Game naman ako sa lahat ng ibato saking hamon ng l*nt*k na buhay na to eh. Kahit gaano kahirap yun mga nangyayari, kahit gaano kasakit sa kalooban. Kahit gaano kanegatibo ang mga resulta.  Kahit nakawala na ng pag-asa. Kahit nakakaubos na ng lakas. Kahit nakakapagod ng magpakatapang harapin ang bawat pagsubok. Game ako yakapin at masurvive yun lahat. 


Pero langya, sobra na. 


Andito na ko sa puntong hinihiing ko sa universe, stars at kung sino o ano pa mang makakarinig ng hinaing ko na sana matapos na tong larong to. 


paulit-ulit araw-araw

Masasabi mo bang "Buhay ako?"

Kung ang boses na ito ay hindi umabot sa kabilang panig

Sa palagay ko oras na

 Sana game over na.:


me: "laban pa please" 

also me: "ayoko ng lumaban wala rin naman akong laban"


Maki-emote

ihayag ang nais sabihin ng iyong damdamin. (>‿◠)✌