Palatastas 11 - Happenings

Andami kong gustong ikwento. Mula sa maliliit na bagay na napapansin ko sa paligid ko hanggang sa malalaking issues na nangyayari sa bawat araw ko. Minsan kasi nakakabagot na ring sarilinin lahat ng yun at masarap sa pakiramdam yun may nakakakwentuhan na interesadong makinig at makipagusap.


To the point na mag-uusap pa rin kahit wala ng mapagusapan. Weird noh? Dont get me wrong. Marami naman akong pwedeng makausap pero medyo choosy rin kasi ako. Pinipili ko lang din kung kanino palagay yun loob ko na mag-open up ng mga bagay na tumatakbo sa utak ko at mga emosyong dumadaloy sa puso ko. Opkors ayaw ko naman magmukhang tanga na salita ng salita tapos wapakels yun kausap. So sa madaling salita, kung mag-open ako sayo, yun tipong isiniwalat ko lahat ng damdamin ko, dalawa lang ibig sabihin nun. Una, malaki tiwala ko sayo at pangalawa, importante ka sakin. 


Pero ewan ko ba. Sadyang harsh ang reality na hanggang ngayon hindi pa ako nakakatagpo ng taong magiging interesado sa lahat ng kadramahan at kakulitan ko, sa lalim ng pananaw ko sa buhay at kababawan ng kaligayahan ko sa mundong to.


Alam ko naman na hindi ako kagandahan pero believe me kahit papano may sense naman akong kausap. Hindi ka mabobored sakin kasi para akong Netflix na puno ng sari-saring kwento, mala-Google rin ako na may sagot sa kahit anong gusto mong malaman. Okay siguro matuturn off ka sa mga kakornihan ko pero sigurado akong mapapatawa kita. Posibleng mairita ka sa kaweirduhan ko pero baka sakali mamangha ka sa pagkamala-exotic ko. At malamang maiinis ka sakin kasi ang kulit ko at OA sa pagiging super detalyado sa lahat ng bagay pero malay mo ikatuwa mo kasi kahit makalimutan mo lahat, matatandaan ko pa rin yun.


Badtrip maging katulad ko noh? I hate that i care too much about everything. Sobra.


 Napapaisip tuloy ako.. Pagiging demanding ba talaga ang maghangad na sana..sana..sana may kahit isang tao na magkagusto sakin? Nakakahopeless na kasi eh. Sobrang nakakamiss na yun feeling na may nagmamahal at may nagpapahalaga.


 Kaso wala.. wala.. wala..


 Kaya.. Natuto na kong manahimik na lang at oo, magdrama pag may time. lels.

Maki-emote

ihayag ang nais sabihin ng iyong damdamin. (>‿◠)✌