Palatatas 8 - Disconnected

Nitong mga nakaraang mga linggo, nakakabadtrip dahil sa sobrang hina ng internet connection. Nag-ughhh-upgrade daw ng system kaya nagkakaganun. Nakaiyak na nga sa inis dahil kung kailan kailangan saka wala. Dinaig ko pa ang mrt train pag rush hour sa pagkapuno sa grabeng hassle nito. At halos gusto ko na nga rin pumunta sa La Pacita Bakery (dito yun pagawaan ng Pacencia at iba pang mga biscuits) para bumili ng maraming maraming stock ng Pacencia dahil kung hindi baka hindi ko na mapigilan ang magpakabeast mode.

One time (yun totoo nakailang tawag na para magreport at ilang beses na sinadya ko ng puntahan) pero yung one time na yun tumawag ako, nakakabitter. Kalmado naman ako sa pagcocomplain hindi yun tipong nangbubulyaw na lang bigla napakasoft spoken ko naman (yun totoo pang 11-yr-old yung boses ko) pero sheet matapos ko sabihin yun nag-iisang paulit ulit na inirereklamo ko (tinanong naman kung meron pa o wala na) at nung sinabi kong "yun lang po" sabay dead na yun kabilang linya. Opo binabaan ako ng kung sino mang kausap ko na yun. Umasa ako na nag-goodbye man lang sana o nagsorry dahil sa failure ng internet service nila pero wala. Ganun kaharsh. Literal na nag-init ulo ko pero wala na kong magagawa kasi wala na rin yun kausap ko at hindi ko na matratrace kung sino siya at hindi ko na rin gustong mag-abala pa kaya pinalipas ko na lang yung pagkainis ko.

May ganun siguro talaga at baka mas mabigat ang pinagdadaanan niya kesa sa inirereklamo kong mabagal na connection. Haaay.

Parang applicable din sa lahat ng klase ng relasyon, sa una malakas ang connection sa isa't isa pero pag mejo nasa kalagitnaan na humihina na lang bigla at masaklap pa nun minsan tuluyan ng nadidisconnect.

Kaya kung mahalaga talaga sayo yung isang tao, make sure na makipagcommunicate ng maayos para sakaling dumating man yung time na mawalan kayo ng connection, pwedeng magreconnect anytime..agad agad.

Saaahreeee.

Maki-emote

ihayag ang nais sabihin ng iyong damdamin. (>‿◠)✌