Paglisan

Bakit hindi masabi
Tunay na dahilan
Ng kalungkutan sa mga mata
Nais na palang kumalas
Sa pangakong walang hanggan

Pag-ibig na mapanlinlang
Dapat ng kalimutan
Ngunit sadyang hindi maaari
Sapagkat naiwan sa puso
Ang damdaming iyong inayawan

Ikaw ang nagsimula
Ikaw rin ang tumapos
Walang nagawa kundi pagmasdan
Nakatanaw habang papalayo
Sa pag-ibig na winakasan

Hindi makakalimutan
Matamis mong ngiti
Halik na nakakakilig
Yakap na napakahigpit
Mga alaalang sa isip nakakapit

Ngunit anong magagawa pa
Damdamin mo'y sa iba na nabaling
Tanging alam ko
Naging malinaw ang dahilan
Kung bakit dagling lumisan

Kung bakit buo ang loob
Ni hindi nagpapigil
Ni hindi nagdalawang isip
Kahit anong ibig na pagpupumilit
Hindi na tinangkilik

Natuyo't ubos na ang mga luha
Ngunit damdami'y nag-uumapaw pa
Kung maaari lang sumbatan
Ang tadhana lubhang napakadaya
Kung laro man ito siguradong talo na

Pag-ibig na pinaka-iingatan
Dapat na ngang iwaksi
Ngunit sadyang panahon lang
Ang makakapagtakda kung kailan
mapapawi at makakalimutan.


Maki-emote

ihayag ang nais sabihin ng iyong damdamin. (>‿◠)✌