Waiting Shed

Minsan mahirap tanggapin ang katotohanang nagwakas na ang lahat
Sa tuwing naaalala'y hindi maiwasang masaktan
Yaong pag-ibig na walang hangga'y nagkaroon ng katapusan
Yaring pagmamahal na anumang pilit iwaksi'y hindi napapawi

Sa mga pagkakataong nag-iisa
Hinihiling na sana'y makapiling
Ngunit sadyang lumisan na ng tuluyan
Hindi man lamang naging patas ang kapalaran

Sana'y huwag iwawaglit sa isipan
Ang lahat ng tinuran ay paniwalaan
Ang mga pangako'y tanging panghawakan
Aasa't mag-aabang sa nakaambang pagkakataon

Sino ang nakakaalam
Maaaring sa huli'y pagtagpuing muli
Walang nakakaalam kung ano ang kahihinatnan
Tanging kasiguraduhan lamang ay may
Nakalaang pag-asa at kaligayahan sa taong marunong
maghintay.


Maki-emote

ihayag ang nais sabihin ng iyong damdamin. (>‿◠)✌