Mapanglaw na Tinig

Naramdaman mo na ba ang mabigo?
Yung sobrang pagod ka ng lumaban pa.
Naramdaman mo na ba na ang mawalan ng puwesto?
Yung hindi mo alam kung saan ka lulugar.
Naramdaman mo na ba ang magdusa?
Yung pikit-mata mong tinitiis ang tindi ng hirap at sakit.
Naramdaman mo na ba ang magdalamhati?
Yung kahit magsisi ka pa'y hindi na babalik ang nawala.
Naramdaman mo na ba yung gusto mong takasan ang lahat?
Yung kahit harapin mo pa ito, pakiramdam mo'y wala ng patutunguhan.

Hindi mo pa nga siguro naramdaman.

Yung masaktan
Yung mawalan ng pag-asa
Yung maiwang nag-iisa
Yung malugmok sa pagkakadapa
Yung maitulak palayo sa kawalan
Yung maubusan ng lakas at tuluyang manghina
Yung mahulog sa bangin ng kalungkutan na alam mong walang sasagip sayo
Yung masaklap na kapalarang tila walang katapusan sa paghagupit

Hindi mo alam ang pakiramdam.

Yung kamuhian ang sarili dahil wala ng silbi
Yung mapagod ng umasa pa sa swerteng lubhang napakailap
Yung magsawa na laging naiiwanan
Yung maging desperado na maramdam na may nagpapahalaga
Yung may maiwang magandang alaala bago man lang bawian ng buhay
Yung makulong sa dakong kasuklam-suklam
Yung masuya sa mga sari-saring kasinungalingan ng mga taong nasa paligid
Yung magkubli sa matamis na ngiti ngunit sa kalooba'y sukdulan ang paghihinagpis

Naramdaman  mo na nga ba?

Yung mapagtaksilan ng lubos mong pinagkakatiwalaan
Yung malinlang ng walang kamalay-malay
Yung maipagkaila sa madla
Yung magkaroon ng labis na takot at pagkamuhi
Yung maghingalo sa lalim ng sugat nitong pusong sawi
Yung mapuno sa masamang kapalarang kinasadlakan
Yung maubusan ng dahilan para mabuhay
Yung magwakas ang lahat, buong akala'y walang hanggan...

Naramdaman mo na ba?


Maki-emote

ihayag ang nais sabihin ng iyong damdamin. (>‿◠)✌