LOVE TRAUMA

Minsan sa buhay darating yung taong magpapaniwala sayo na "siya na" ang para sayo..at "kayo na" ang para sa isa't isa. Habang lumalalim ang samahan mas pinapatibay yung pakiramdam na "eto na nga talaga", "final answer na" at "finally home". Sa kabila ng mga problemang dumating at darating, kinaya niyo at siguradong kakayanin nio pa.


Pero pano kung may ibang dumating? Kusang sumingit, sumira sa magandang samahan? Ipaglalaban mo pa ba kung siya na din yung kusang bumitaw sa'yo? Na makita mo sa mga mata niyang hindi ka na niya kailangan, ayaw na sayo at tinapos na kung anong meron kayo. At kung kelan nag-uumapaw yung pagmamahal mo sa kanya saka ka niya iniwan. Kung alam lang niya kung gaano kasakit at kung gaano niya tiniis at kayang tiisin lahat lahat para lang makasama siya. Kung alam lang niya yung halaga ng taong tinanggap ang buong siya at kayang manatili habambuhay sana siya na lang yung pinili niya. Sana. kaso hindi.


Sabagay, hindi siya kagandahan/kagwapuhan para maipagmalaki sa iba..Hindi siya katulad nung iba na "pangdisplay" sa madla. Gayunpaman, siguradong wala ng papantay sa tindi ng pagmamahal at pagpapahalagang ibinigay niya ng walang inaasahang anumang kapalit.


Maraming nagiging tanga pag nagmamahal pero pag nasaktan ng sobra - tumatalino at nagiging makasarili. Masama man para sa iba pero yung ang matatawag  na.. 
LOVE TRAUMA.


Maki-emote

ihayag ang nais sabihin ng iyong damdamin. (>‿◠)✌