Malungkot na Kaligayahan

Huwag kang mag-alala hindi ka nag-iisa. 

Katulad mo, May mga tao ring puno ng kalungkutan. Mga luhang pilit ikinukubli sa isang matamis na ngiti.  Nangungulila sa pag-ibig na nawala. Nagmamahal sa taong hindi na sila mahal. Mayroon silang mga lihim na tila hindi kapani-paniwalang natiis nilang hindi sabihin dahil walang handang makinig at intindihin sila.. Humihiling sa langit, nangangarap at lubos na umaasa kung may tao rin bang kagaya nila.

Nalulumbay.
Nagtatanong.
Nag-iisip.

Umaasa na muling madama ang tunay na kaligayahan na tanging minimithi.



Maki-emote

ihayag ang nais sabihin ng iyong damdamin. (>‿◠)✌