Temporary True Love

Nakakamanhid na yung paulit ulit na magmahal tapos lolokohin lang, yun naniwala ka na siya na talaga yun pala pinaglaruan at pinaasa ka lang niya. Ikaw naman si tanga, niloko ka na nga, pinagbigyan mo pa ng ilang ulit, ikaw pa yun nagsorry kahit siya yun may kasalanan. At siya na nga yun nagkamali siya pa yung mayabang. Sigurado ka sa kanya pero siya ba sigurado sayo? Oo nga pala, sigurado siya na paikutin ka at papaniwalain ka sa lecheng true love na yan.

At yung pinakamahirap at pinakamasakit sa lahat? Yun naniwala ka na ikaw lang yun nag-iisang choice niya, na akala mo seryoso siya sayo pero malalaman mo na para sa kanya, hindi pala ikaw yun babaeng pangmatagalan, kundi pansamantala lang. Isang laruan na anytime pagsasawaan at itatapon.

Kasi nga, PANSAMANTALA ka lang!!!

Oh ano ngayon? Iyak magdamag hanggang mag-umaga tapos iyak na naman. Pero ano nga bang mapapala mo bukod sa magang mata at pusong sugatan? Wala! Habang siya nagpapakasaya na sa iba, ikaw bitter! Pero anong magagawa mo kung nagmahal ka ng gagong akala mo seryoso sayo, na akala mo nirerespeto ka. Ang tanging kasalanan mo, nagmahal ka ng totoo at umasa na hindi na maloloko ulit. Bakit ba kasi may mga taong magaling magkunwari at magpaikot na may kasama pang pekeng effort? Shet!

"Kung nabibili lang ang mga taong hindi kayang manloko, 
kahit sobrang mahal pa, bibilhin ko."

Maki-emote

ihayag ang nais sabihin ng iyong damdamin. (>‿◠)✌