Super Poker Face

Akala ng lahat kasing lakas mo si superman at kasing tigas ka ng adobe. Akala nila kayang kaya mong dalhin ang lahat ng sakit at harapin ang lahat ng problema. Pero sa totoo lang, pag mag-isa ka na saka bumubuhos ang lahat ng emosyon at walang tigil na pag-agos ng luha. Kung may choice ka lang, kung meron lang sanang makakaramdam ng totoong nilalaman ng puso mo - yung hindi ka huhusgahan, yung hindi iisipin na madali lang para sayo ang lahat, na makikita yun lungkot sa likod ng mga mapagkunwaring ngiti mo, sana kahit sandali maramdaman mong hindi ka nag-iisa, na hindi mo kailangang magpanggap na okay ka. Dahil alam mong may nakakaintindi at nakakaramdam na hindi mo kakayaning mag-isa, na hindi mo ginustong magpanggap, na minsan mas gusto mong makita din nila na marunong kang masaktan at manghina. Sana ganun kadali. Pero totoo nga yata ang kasabihang mas madaling magpanggap na masaya ka kesa ipaliwanag kung bakit malungkot ka.

Huwag mong hanapin ang taong makakapagayos o makakapagpalimot ng mga problema mo, kundi hanapin mo yun taong 
hindi ka hahayaang harapin ang lahat ng problema ng mag-isa... :(

Maki-emote

ihayag ang nais sabihin ng iyong damdamin. (>‿◠)✌