Make or Break?

Senti mode. Sabay sa buhos ng ulan ang pagbuhos ng emosyon ng bawat taong iniwan at inayawan ng mga mahal nila.

"Tama na ayoko na..."
"Maghiwalay na tayo!"
"Nothing to save.."
"I found someone else better.."

Gaano nga ba kasakit ang malaman ang buong katotohanang pilit ikinukubli na wala ng feelings sayo yung taong labis mong minamahal?  Na mas gusto na niyang mag-isa o hanapin sa iba yung ikaliligaya niya kesa makasama ka at magpatuloy sa isang relasyong para sa kanya'y wala ng patutunguhan. Or maybe pilit lang niya jinujustify na tama lang na iwan ka niya kasi ganito kasi ganyan ka, maraming rason at kamalian mo ang inuungkat niya upang mapagtakpan yung tunay na dahilan na may iba na pala siya.

Sapat nga bang ang pagmamahal mo para sakupin yung pagmamahal na hindi na niya kayang ibigay at hindi na niya nararamdaman sayo?  Hayun na yun mga pagkakataong nararamdaman mong hindi na nga siya gaya ng dati pero nagbubulag-bulagan ka pa din.  Tulad ng wala na siyang pakialam sa mga ginagawa mo o pinupuntahan mo samantalang noon halos oras oras ka niyang tinatanong kung nasaan ka o kung anong ginagawa mo.  Kung noon, hinahanap-hanap niya yung mga texts at tawag mo, ngayon kahit pa hindi kayo magkausap, balewala na sa kanya.  At madalas kung minsan pag may di pagkakaunawaan lagi na lang pakikipaghiwalay ang bukang bibig o di kaya daig pa sa kumukulong tubig ang init ng ulo niya sayo.  Grabe nga kung iisipin diba?

Sadya nga bang ganun ang mga relasyon? Sweet lang sa una, swerte na kung sweet pa din gang huli - yun tipong "Grow old with you" at hindi "Separate lives" ang peg. Minsan mas madalas yung nagiging bitter na sa huli.  Or maaring hindi lang ganung katindi yung lovestruck feeling.  Yun bang parang gadget na may Iphone 4 ka na pero nung lumabas yung Iphone 5, palit bago agad.  Ganun nga ba kadaling umayaw at magpalit ng karelasyon?  Dahil sa mas maganda, gwapo at kun anu anu pang traits na wala sa taong nagmamahal sayo eh aayawan mo na siya at magpapalit agad agad.  Well, kung sa gadgets lang ayos lang magpapalit basta may k bumili, pero yung taong nagmamahal sayo, masyadong mahal para maafford at mapalitan mo man siguradong wala siyang katulad or maaaring kapangalan lang.

Even when money can buy love sometimes, but never TRUE LOVE.

Bakit nga ba may mga taong sadyang hindi makuntento sa isa at gusto pang mangulekta?  Hindi nila makita yung halaga ng taong nagmamahal sa kanila ng totoo.  Yung taong tanggap kung sino sila.  Yung taong ni minsan hindi sila iniwan.  Yung pagmamahal mula sa taong yun na hindi nila mararamdaman sa kahit kanino.  Worse, they take that love for granted.  Worse than ever, marerealize lang nila what they had lost pag wala na yung taong pinagpalit nila sa iba.

Thinking na mas magiging masaya with the new one yet ending up 
like the last cookie in a jar... BROKEN and ALONE.







1 comment:

  1. hhyyyyy... 1 great thing na nangyayari sa atin kung may mga suliranin tungkol sa pag-ibig, blog material siya... gusto ko dito sa tambayan mo...

    ReplyDelete

ihayag ang nais sabihin ng iyong damdamin. (>‿◠)✌