Hello Pride

Normal na sa isang relasyon ang mag-away, mapakaibigan man ito o kasintahan.  Subalit kadalasan bihira ang nagkakabati agad.  Minsan nga'y inaabot ng mga ilang araw,  isang linggo hanggang ilang buwan pa nga lalo kung malala ang naging sanhi ng alitan. Pumapagitna ang pride. Ngunit sa magkaibigan o magkasintahan na lubos na nagkakaunawaan at nagmamahalan, mahaba na ang isang araw para hindi magkabati kahit pa naging matindi ang pag-aaway.

Bakit nga ba ganun?

Yun tipong magtetext siya sayo para lang ipaalam na galit pa din siya o di kaya'y pareho kayong nakatitig sa cellphone at naghihintay ng text o tawag mula sa isa't isa.  Yun tipong hindi niyo matiis ang di magkausap agad. Yung tipong gusto mo ng maunang magtext o tumawag pero pinipigilan mo ang iyong saril dahil sa pride.

Yung paniniwala na kung sino yung may kasalanan siya yung dapat mauna makipagbati.  Pero minsan kahit pa gaano kabigat yung naging pag-aaway hindi na mahalaga kung sino yung nagkamali, ang mahalaga is yung magkaayos at hindi magkahiwalay lalo na kung alam mo na you cant afford to lose that person.

"Sometimes it's okay to swallow your pride, it's not fattening."

But then, speaking for little issues - simpleng tampuhan at di pagkakaintindihan. Pero kung major issues like sobrang panghuhusga na halos natunaw na yung pagkatao mo, pinagpalit ka sa iba, niloko ka etc.. well it's something you should think over bago makipagbati.  Sabi nga, Once a manloloko, always a manloloko diba?  If that person hurt you once probably he/she can do it twice, thrice and more.  It really depends sa pundasyon at sa weigh ng pinagsamahan at kung gaano niyo kakilala ang bawat isa if it's worth to be saved or not.

Wear pride at times you need to give more importance to yourself than to someone who doesn't see your worth.
 Better alone than broken over and over again. 

2 comments:

  1. "Sometimes it's okay to swallow your pride, it's not fattening." - Hirap ako rito... hehehe

    Another thought provoking post. Galing!

    ReplyDelete

ihayag ang nais sabihin ng iyong damdamin. (>‿◠)✌