Pangarap o Pag-ibig

Naranasan mo na ba malagay sa sitwasyon na wala kang magawa? Yung wala kang mapili kasi parehong mahalaga sayo?  Pangarap nga ba o pag-ibig? Yun matagal mo ng pinangarap na makamit para sa sarili mo o yun pag-ibig na alam mong hindi mo makikita at mararamdaman sa iba?  Nag-iisa lang siya pero magagawa mo bang baguhin ang sariling pangarap mo para sa pagmamahal? O hahayaan mo na lang mawala yung mahal mo kapalit ng pangarap na inaasam-asam? Pikit-mata mong iiwan ang mahal mo dahil nais mong matupad yung pangarap mo para sa sarili mo. Kaya kung umiwas na lang siya sayo hahayaan mo na lang dahil para sayo yun yung makakabuti.

Mahirap intindihin ngunit di hamak mas mahirap tanggapin.

1 comment:

  1. hindi ako makarelate. sige ako na ang walang lovelife. pero dpende talaga sa atin kung ano ang first priority natin sa buhay. we have choice. hindi totoo na hindi tayo makakapamili kung ano mahalaga sa atin.

    ReplyDelete

ihayag ang nais sabihin ng iyong damdamin. (>‿◠)✌