Love is not a test...so why CHEAT?

Usapang pag-ibig. Emote lang pag may time.

Ang Panloloko ay isa sa pangunahing dahilan ng mga hiwalayan at pagkasira ng isang relasyon. Paano mo nga ba masasabing niloloko ka o nagloloko yung partner mo?

Madalas na kaganapan ng ganitong mga eksena eh yung sikat na sikat na kung tawagin natin ay third party. Yun bang panira na biglang susulpot na lang sa malafairytale mong love story biglang makiki-party (makikihati) sa pagmamahal at oras ng taong mahal mo.

Pero paano nga ba nagsisimula ang panloloko?

Simple lang. Yung nagdedelete ka ng mga text messages at anything na nasa inbox mo para hindi makita ng bf/gf mo. Pag ginagawa mo to, pwedeng dahil ayaw mo lang may pagselosan siya na pag-aawayan niyo o maaaring andun na yun dishonesty mo dahil may something behind that na ayaw mong maungkat at matuklasan ng bf/gf mo.  Sa paminsan minsang pagtatago at pagsisinungaling andun na yun urge na manloko dahil kadalasan nagiging mahalaga na sayo yung pang-3rd kaya lahat na lang ng pagdadahilan gagawin mo para lang maitago yung namumuong somethingness niyo ng 3rd party/kabit whatsoever. Hanggang sa lumala na at lumalim na yung ugat ng kasinungalingan.  Hanggang sa malubog ka sa kumunoy na ikaw rin ang gumawa.

Pero hanggang kailan?

Sabi nga hindi ka magmamahal ng isa pa kung mahal mo talaga yung nauna.  Lalong hindi mo dapat hanapin sa iba yung kakulangan ng karelasyon mo dahil kung mahal mo talaga siya, mas mangingibabaw yung pag-intindi mo sa kanya at sa halip na magloko eh ikaw na yun pumuno ng anumang kulang..diba?


Nakakalungkot isipin na may mga taong hindi marunong makuntento.  Nasa kanila na yung ginto pero hindi nila maappreciate kaya naghahanap pa sila ng tanso.  Nasa kanila na yun prinsesa pero naghahanap pa sila ng bruha.


True love means hardwork.

Kung hindi mo kayang magseryoso wag kang pumasok sa isang relasyon na hindi mo kayang panindigan.

Agree?

2 comments:

  1. nakaka asar yung mga cheater hehe.. minsan na ako naloko at ayoko ng ganun. bobrang sakit lalo na sa pinagkakatiwalaan mo.

    ReplyDelete
  2. malaman pero nakakatuwa... mas performer kasi ang mga bruha... pa-sweet daw kasi mga prinsesa...

    may pinagdadaanan? isangguni sa love guru... hehehe

    ReplyDelete

ihayag ang nais sabihin ng iyong damdamin. (>‿◠)✌