Sometimes Love Just Ain't Enough

Minsan sa isang relasyon akala natin sapat na yung mahal niyo yung isa't isa. Pero ang totoo bukod dun marami pang dapat isaalang-alang para magtagal ang isang relasyon.

Tulad ng tiwala na lubhang napakahalaga.  Sabi nga hindi mo magagawang magmahal ng taong hindi mo pinagtitiwalaan. Pero minsan din naman dahil sa labis mong pagmamahal sa isang tao, hahamakin mo ang lahat kahit pa ba siya na yun taong hindi talaga karapat-dapat pagkatiwalaan. mamahalin mo pa din siya ng buong puso, bibigyan ng pagkakataon na magbago at mapakita na karapat-dapat siyang pagkatiwalaan muli.  Nakakatanga talaga ang magmahal. Lalo na pag sobrang pagmamahal, halos hindi na gumagana yung utak natin, puso na lang lagi yung nasusunod.

Mahalaga din yun pagtanggap sa differences ng magkarelasyon. Hindi maiiwasan na may mga bagay na hindi napagkakasunduan. May mga bagay na ayaw nio sa isa't isa - maaaring ito'y mannerism na kinagawian na niya mula pagkabata, ugaling hindi maganda, pagkain o di kaya mga bisyo.  Pwedeng makuha sa usapan, pwedeng limitahan kung kinakailangan.  Dito pumapasok yun adjustment. Hindi masamang mag-adjust lalo na kung sa ikabubuti ng relasyon niyo at kung hindi naman makakaapekto at maaaring mas magpaimprove pa sa sarili why not diba? Kadalasan malaking tulong din yung taong nagmamahal sa atin para maitama natin yung mga mali sa atin. Ngunit kung hindi okay sayo yun mabuting sabihin mo kesa magpatuloy ka sa isang relasyong hindi ka na pala masaya dahil pakiramdam mo hindi ka niya tanggap kung ano at sino ka.

Hindi naman porket lagi kang pinupuna eh wala ng nakitang tama sayo, minsan sobrang mahal ka lang talaga niya kaya gusto niyang mag-improve ka into a better person.  (Hindi bitter, okay?)

Sa kabilang banda, kalakip ng pagmamahal yung pagtanggap sa natural aspect ng taong mahal natin.  Sabi nga, hindi lahat ng ineexpect natin sa isang tao, makukuha natin. Hindi tayo pwedeng pumili ng gusto nating mahalin dahil ang pag-ibig kusang dumarating, ang puso kusang tumitibok at minsan nga dun pa sa taong hindi natin inaakala na mamahalin natin.


Love is mysterious, you can't control to whom you will feel it.

Maki-emote

ihayag ang nais sabihin ng iyong damdamin. (>‿◠)✌