Career vs Love

Bawat tao sa mundo gustong magkaroon ng magandang trabaho at kasabay nun yun pagnanais na makakilala ng tao na makakasama habang buhay.  Sino nga bang aayaw? Marami sa atin bago pa magkatrabaho pinalad ng makatagpo ng taong mamahalin nila.  Yung iba naman may trabaho na saka nakatagpo ng mamahalin.

Kung makikipagrelasyon ka dapat alam mo pano hatiin ang oras mo sa karelasyon mo at sa trabaho mo. Hindi kailangang magsuffer ang kahit anong dalawa na pinasok mo. Oo andun man yung pag-intindi pero hindi sa lahat ng pagkakataon.  Kaya ka nga nasa relasyon, ibig sabihin dalawa kayong mag-eefort at mag-aadjust para sa ikabubuti at ikatatagal ng inyong relasyon, hindi yun iaasa mo na lang sa kanya yung pag-intindi ng kakulangan mo.

Mahirap man maghanap ng trabaho sa ngayon pero...

di hamak mas mahirap makahanap ng taong mamahalin mo 
at magmamahal sayo ng totoo.

Maki-emote

ihayag ang nais sabihin ng iyong damdamin. (>‿◠)✌