The Right One

Bakit nga ba may mga taong pinagtatagpo pa tapos bandang huli maghihiwalay din naman?
Ano yun trial and error na pag hindi compatible, hahanap na lang ng bago? Maraming tao ang umaasa na matatagpuan nila yun taong nakalaan para sa kanila - yung right one at true love.
Yun bang taong mamahalin ka hindi lang dahil sa looks mo - minahal ka kasi maganda, sexy, gwapo at macho ka. Kundi minahal ka dahil sa kung sino at ano ka. Na kahit mawala yung kagandahang pisikal, yung pagmamahal na yun hindi mawawala bagkus madadagdagan pa.

Swerte yung mga taong natagpuan na yun ganong klaseng pagmamahal. True love

Masarap sa pakiramdam yun hindi mo na kelangang mag-effort ng sobra para magpaganda/ magpagwapo sa taong mahal mo dahil kahit ano pang hitsura mo e maganda/gwapo ka pa din sa paningin niya. Yun nakakasigurado ka na hindi siya maghahanap ng iba dahil sayo pa lang solve na solve na siya. Kontento siya sayo dahil hindi lang naman yun mukha mo ang minahal sayo kundi yung buong pagkatao mo.. at kung anuman yun nakita't minahal niya sayo alam niyang hinding hindi mapapantayan ng kahit sino.

Kung kagandahan at kagwapuhan lang, maraming nagkalat everywhere. Pero yung tunay na pag-ibig, bibihira lang at kadalasan dumadating sa mga panahong hindi natin inaasahan.

Yun ganyang klaseng pagmamahal mahirap ng mahanap sa ngayon dahil lahat ng tao nauunang tumingin sa panlabas na kaanyuhan kesa sa panloob na katauhan. Sabi nga:  

"Dont judge the book by its cover". 

Dahil hindi man siya yun taong type mo o pumasa sa standards mo, maaaring siya na yung nakalaang  right one at true love mo.

Hindi natin mapipili ang taong mamahalin natin. When we're inlove, we just do.


4 comments:

  1. Dba, kaya tayo iniiwan ng taong mahal natin kasi baka meron bagong darating na mas okey. Na mas mamahalin tayo. Yung taong hindi tayo sasaktan at paaasahin. Yung nag-iisang taong magtatama ng mali sa buhay natin ng lahat ng mali sa buhay natin.. -Popoy

    Naaalala ko ang one more chance sa intro mo :)

    Isang malaking tama. Where's the love na nga ba?

    Sana ngayong pasko... lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama.. sana ngayong pasko haha! ^_^

      Delete
    2. kaya pala familiar... si Popoy pala un hehehe

      ang love nga naman....

      sana matagpuan ngayong Pasko ^^

      Delete
  2. blog mo rin pala to sis Maria? now ko lang natagpuan ito hehe..nakita ko sa daily reads mo..

    anyway..uu nga baket nga ba kelangang may relasyon na tumagal pa ng 7 years tapos in the end maghihiwalay rin pala.. tapos ang tanging masasabi mo lang eh maybe we're not meant for each other..pano mo nga ba masasabi na meant for each other na kayo ng taong mahal mo? haaay parang gusto ko tuloy gumawa ng post na ganito hehehe..

    ReplyDelete

ihayag ang nais sabihin ng iyong damdamin. (>‿◠)✌