Minsan
sa buhay ng tao kahit gaano ka kasigurado sa lugar mo sa kanya darating
at darating yung panahon na mawawala yung lugar na yun sayo. Unti
unting maglalaho yung tamis ng pinagsamahan mapapalitan na lamang ng
pait ng kalungkutan. Mga bagay na ayaw mo mang mangyari, kusa na lang
magaganap. At isang araw magigising ka na lang ng mag-isa kasama ng
masasayang alaalang hanggang alaala na lamang. Kailangan tanggapin na
marahil tapos na ang silbi mo sa buhay niya at kung anuman ang meron
siya ngayon hindi ka na kasama sa mga plano niya, dahil iba na ang buhay
niya kumpara sa buhay na pinangako niya sayo. Tunay ngang nagbabago ang
mga tao, lalo na kung nasa kanya na yung taong hindi man niya hinanap
pero kusang dumating.
Yung totoo nga, mula sa kaibuturan ng iyong puso - miss na miss mo na siya. Nakakamis ang lahat ng bagay sa kanya, lalo na yung pinagsamahan niyo. Pero kahit siguro
hilahin mo siya, wala na din dahil siguradong nahulog na siya sa iba.
Sanay na siyang wala ka at siguro masasanay ka din.
...SANA.
#MOVE-ON.
ReplyDeleteTama, lahat ng tao nagbabago. Pero kagaya ng mundong hindi tumitigil sa pag-ikot, dapat tayo rin, hindi tayo dapat tumigil sa isang "lugar" lang. kailangan din natin ang sinabi ni Cyron... "move-on".
ReplyDeleteAray naman. Kailangan ko rin yata yung comment ni cyron. Pangalanan na yan :)
ReplyDeleteuu nga masanay ka na rin sis.. darating din ang prince naten ;)
ReplyDelete