Nagmamahal sayo

Isang banayad na bulong sinabi sa aking wala ka na
Iniwang mga alaala, saan ba tayo nagkamali?
Hindi ko mahanap ang tamang salita ngunit hayaan mo akong sabihin sa iyo ngayon
Mahal na mahal pa rin kita..

Sabihin mo sa aking mahal mo ako
Sabihin mo sa aking mahalaga ako sa iyo
Sabihin mo sa aking kailangan mo ako
Darating ako, hihintayin kita.

Minamahal kita ng lubos
Laging tapat sa bawat sandali
Walang ibang magmamahal sayo tulad ng pagmamahal ko
Bumalik ka na sa akin
Hinding hindi kita iiwan
Lagi akong andito para sayo
Sa hirap at saya, magiging matatag ako para sa ating dalawa
Mahal na mahal kita

Ngayong magkasama na tayo
Lumipas na ang kahapon
Nagsisimula pa lamang ang buhay ko
Sa wakas kasama na kita
Pinapangako ko sayo hinding hindi kita iiwan
Ibibigay ko ang lahat lahat sayo

Hindi ko makakaya ang mabuhay ng wala ka
Huwag kang bibitaw

Ang ating pag-ibig ay magpakailanman
Hinding hindi tayo magkakahiwalay
Wala ng makakapigil sa atin
Ikaw at ako
Magpakailanman.


"Ang pag-ibig ay parang dagat na may walang hanggang tanawin..  
Walang hanggang pag-ibig ng dalawang tao na labis na nagmamahalan."

Maki-emote

ihayag ang nais sabihin ng iyong damdamin. (>‿◠)✌